Default Thumbnail

Saan ang P51B?

January 30, 2024 People's Tonight 135 views

Gil BugaoisanNOONG hari-hari pa itong si Davao City Congressman Paolo Duterte, walang maaring sumuway sa kanya. Maging sa Mababang Kapulungan ay walang maaaring pumalag.

Sa unang taon pa lang niya sa Kongreso bilang 1st district congressman ng Davao City ay nakakuha siya ng napakalaking pondo habang gutom namang ang inabot ng napakaraming distrito dahil tinanggalan sila ng pondo.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer na kinumpirma naman ni House Appropriations Chair Elizaldy Co, nakakuha si Pulong ng kabuuang P51 bilyong halaga ng public works fund sa loob ng tatlong taon.

“In the national budget, Davao Rep. Paolo Duterte has directed an additional allocation of P30 billion for the first district of Davao City for the years 2020-2023,” the report said, adding that all the allocations combined, Congressman Duterte bloated Malacañang’s proposed National Expenditure Program by almost 500 percent,” anang ulat ng Inquirer.

Sinabi ng ulat na sa kanyang unang taon sa opisina, dinagdagan umano ni Pulong ang iminungkahing 2020 National Expenditure Program (NEP) ng Malacañang mula P4.67 bilyon sa P13.745 bilyon. May kabuuang P9.07 bilyon o higit 300 porsyento sa orihinal na NEP.

Noong 2021, binanggit ng ulat na naglaan ang kanyang Daddy Digong ng P9.67 bilyong alokasyon para sa distrito na kung tutuusin ay napakalaki na ito para sa isang distrito. May karagdagang P15.36 billion kaya umabot sa P25.034 billion ang public works budget ng kanyang distrito.

Sa laki ng kanyang pondo ay maari nang magpatayo ng 25 hanggang 30 na high-rise condominium para bigyan ng pabahay ang napakaraming iskwater sa Davao City. Sa P25 billion ay mapapasemento kahit mga malilliit na eskinita sa kanyang distrito at mapapalagyan na niya ng maraming kanal upang di na paulit-ulit ang pagbaha.

May nangyari ba sa P25 billion aber? Sagutin niyo nga kayong mga Dabawenyo?

Sa huling taon ng kanyang ama bilang Pangulo, iminungkahi ng Palasyo ang P10 bilyong badyet para sa unang distrito ni Pulong ngunit may karagdagang halaga pa na P3.047 bilyon ang nakababatang Duterte.

Para sa breakdown, nakatanggap ang distrito ni Pulong ng kabuuang P13.7 bilyon noong 2020, P25.034 bilyon noong 2021, at isa pang P13.048 bilyon noong 2022.

Tumataginting na P51 billion ang natanggap na pondo ni Pulong mula kay Daddy Digong gamit ang pera ng taumbayan.

Sa laki ng pera na yan ay maari ka nang gumawa ng highway mula Manila hanggang Davao!

Ang tanong ngayon eh nagamit ba ng tama ang pera ng mamamayan na inilaan para sa taga uno distrito ng Davao?

Eto namang mga taga Davao ay willing victims ng pambubudol. Sa laki ng mga pondong inilagay dyan, you should deserve better. Ni Gil Bugaoisan

AUTHOR PROFILE