Default Thumbnail

Naiiba talaga kung ‘mag-welcome’ ang mga Pinoy

January 30, 2024 Paul M. Gutierrez 94 views

PaulTAGUMPAY, as in nag-enjoy mga kabayan, si United Nations Special Rapporteur (UNSR) on freedom of opinion and expression Irene Khan, sa kanyang unang araw ng pagbisita sa bansa.

Dumating si Khan noong Enero 22 at mananatili dito hanggang Pebrero 2.

Kasama naman ang ating mga partner agencies, hinandugan natin ng welcome dinner si Khan sa Barbara’s Heritage Restaurant sa Intramuros, Maynila noong January 23. Bukod sa simpleng salu-salo, naghanda rin ang Barbara’s ng isang cultural presentation na nakadagdag sa kasiyahan ni Khan.

Nagpapasalamat tayo sa pakikiisa ng ating mga kasamahan sa pamahalaan, na katuwang natin sa paghahanda sa makasaysayang pagbisitang ito ng special rapporteur. At sa puntong ito, partikular nating pinasasalamatan si National Security Adviser Sec. Eduardo M. Año, pati na ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa kanilang suporta sa naging matagumpay na okasyon.

Isa sa mga nais alamin ni Khan sa bansa ay ang estado ng kalayaan sa pamamahayag at mga kaakibat na usapin ukol dito.

Kabilang naman sa mga dumalo sa masarap na hapunan sina DOJ Undersecretary Margarita Gutierrez at Asec Mico Clavano; Asec Ma. Teresa Almojuela ng Department of Foreign Affairs (DFA); Asec Michael Andre P. Del Rosario ng Presidential Communications Office (PCO); Director Tito Fajardo ng Presidential Human Rights Committee (PHRC);

Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council (NSC); Usec Oscar Valenzuela at Asec Lilian De Leon ng Department of the Interior and Local Government (DILG); Executive Director, Usec. Ernesto Torres ng NTF-ELCAC; Commissioner John Henry D. Naga ng National Privacy Commission (NPC); AFP Spokesperson Col. Frances Margareth Padilla, at iba pang mga opisyal at kinatawan ng iba pang sangay ng pamahalaan.

Nagpakita rin ng suporta at nakiisa sa okasyon ang ating mga kasmahan sa media kabilang sina Noel Galvz na pangulo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at mga kinatawan mula sa National Press Club, Publishers Association of the Philippines (PAPI), Philippine Information Agency (PIA), at Philippine News Agency (PNA).

Sa ating talumpati bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), na punong-abala sa pagbisita, malugod nating tinanggap ang ating panauhin at nagpahayag tayo, ng buong suporta sa kanyang mga adhikain, kasama ang ating mga kapwa lingkod-bayan sa pamahalaan. Umaasa rin tayo na sa kanyang report, magiging “parehas” at “balanse” si Khan sa pagkilala na naging “bukas” sa kanya ang lahat ng ahensiya ng ating gobyerno na nakausap niya.

Nagbigay din ng kani-kanilang pagbati ang mga kay Khan ang mga opisyal ng DOJ, DFA, PHRC at NTF-ELCAC.

Sa kanya namang speech, nagpasalamagt si Khan sa mainit na pagtanggap sa kanya, sabay ibinida ang kanyang unang pagbisita sa bansa noong 1981 kasama ang UN Office of the High Commissioner on Refugees. Kinilalala ni Khan ang Pilipinas dahil sa pag-adopt ng bansa sa UN 1951 Refugee Convention.

‘Pinas din nga pala, mga kabayan, ang unang ‘signatory’ sa Asya sa Universal Declaration on Human Rights noong 1948, patunay lang na sadyang mahalaga sa atin—at itinataguyod ng ‘Pinas—ang mga tratado at kasunduan sa karapatang pantao,

Umaasa tayo na magiging kapaki-pakinabang ang pagbisitang ito ni Khan sa pagbibigay nito ng mga rekomendasyon. Umaasa rin tayo na kikilalanin ni Khan ang mga magagandang programa at accomplishment ng ating pamahalaan na may kaugnayan sa kanyang mandato.

AUTHOR PROFILE