Romnick

Romnick sa mga anak kay Harlene: ‘Ako pa rin ang tatay nila’

August 29, 2022 Aster Amoyo 1406 views

IT was in October 2018 nang maglabas ng joint statement ang dating couple na sina Romnick Sarmental at Harlene Bautista sa kanilang mutual decision ng paghihiwalay. Pero hindi nila ibinahagi ang dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama na umabot ng 19 years at apat na anak na pawang babae na sina Zeke, Boh, Nirel at Nela.

Harlene’s eldest child na si Abijah ay anak niya sa director na si Rico Gutierrez pero naging malapit din ito sa kanyang stepdad na si Romnick.

Although may kani-kanyang buhay na ngayon ang dating mag-asawa, they remain co-parenting their four children with Zeke now studying in Australia.

Sa recent guesting ni Romnick sa “Magandang Buhay,” inamin nito na nananatili umano siyang ama sa kanyang mga anak sa ex-wife na si Harlene.

He sees his kids (except Zeke na nasa Australia) as often as he can kahit may iba pa siyang partner ngayon, ang aktres na si Barbara Ruaro at may isa na silang anak, who’s now one-and-a-half-year-old.

Harlene has also a new boyfriend, si Federico Moreno, ang kaisa-isang anak ng yumaong Master Showman at star-builder na si German `Kuya Germs’ Moreno at ex-husband ng sister nina Vina Morales at Shaina Magdayao na si Shiela Magdayao with whom he has four grown-up children.

Samantala, ang mga anak nila ni Romnick ay nasa pangangalaga ni Harlene who is a hands-on mother first and foremost.

Patrick

Star-studded wedding

KASAMA sa mga principal sponsors ng wedding nina Denny Decena at Donnie Mina ang mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez-Garcia, along with other celebrities tulad nina Korina Sanchez, Aileen Macapagal-de Leon, Bulacan governor Daniel Fernando, ang mag-asawang actors-politicians na sina E.R. Ejercito and Maita Ejercito at iba pa.

Ang wedding ceremony ay ginanap sa Shrine of St. Therese in Newport City last Sunday afternoon, August 28 habang ang wedding reception ay ginanap sa grand ballroom ng Marriott Hotel which was just adjacent sa simbahan. Namataan din namin doon ang Fil-Italian Viva actor na si Marco Gallo.

Si Denny Decena ay anak ng successful businesswoman na si Cristina Decena na nagkaroon noon ng relasyon sa dating action star na si Phillip Salvador.

Natuwa kami sa dating child actor na si Patrick Garcia na kahit magpu-41 na ito sa darating na September 14 ay napaka-boyish pa rin ng hitsura. He can even be mistaken to be in his 20s.

Patrick and non-showbiz wife, Nikka have four beautiful kids – sina Chelsea (10), Patrice (6), Francesca Pia (5) at ang kanilang bunso na si Enrique Pablo (1).

The actor has a 14-year-old son sa Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado.

ViceVice Ganda at Ate Gay bati na

NAGING daan ang successful major concert ng Beks Batallion na binubuo nina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez sa muling pagkakabati ng dating nagkatampuhang magkaibigang sina Vice Ganda at Ate Gay na parehong special guest performers sa “Beks 2 Beks 2 Beks” na ginanap sa New Frontier Theater last Friday, August 26 produced by Viva Live at dinirek ni Direk GB Sampedro.

Si Ate Gay mismo ang personal na nagbahagi sa kanyang sariling Instagram account ng picture na magkasama sila ng main host ng “It’s Showtime” na si Vice Ganda kaya marami ang natuwa sa kanila lalung-lalo na ang kanilang common friends including Beks Batallion.

Ronnie

Mariz at Ronnie, balik-showbiz

NATUTUWA ang singer-actress na si Mariz Ricketts na pagkatapos ng 12 dalawang taon ay nagbalik-showbiz siya sa pamamagitan ng seryeng “Apoy Sa Langit” ng GMA na dinirek ni Laurice Guillen at pinagsamahan nila nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, at iba pa.

Dapat sana’y may guesting din siya sa “Pepito Manaloto” pero hindi ito natuloy dahil siya’y nagka-dengue. She’s also guesting sa GMA franchise ng long-running game show sa Amerika, ang”Family Feud” hosted by Dingdong Dantes.

Now that her two daughters with husband Ronnie Ricketts, Marella and Raechelle, ay pareho nang tapos ng kanilang pag-aaral at pareho na ring may trabaho, balik sila ng kanyang mister sa acting na sobra umano nilang na-miss.

Nagsilbi ring reunion nila ni Maricel Laxa ang “Apoy sa Langit” dahil matagal silang nagsama sa “GMA Supershow” noon ng yumaong si Kuya Germs as co- hosts.

Umaasa si Mariz na magtutuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-showbiz gayundin si Ronnie na hindi lamang actor kundi isa ring writer, director at producer.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE