Rita ayaw pa ring ibulgar ang tatay ng anak

January 11, 2023 Aster Amoyo 781 views

Rita1

THREE days before Christmas ay isinilang ng Kapuso singer-actress at host na si Rita Daniela ang kanyang first baby, a boy last December 22, 2022.

“Hi, my son. You’re the greatest Christmas gift that God has given me. You’re such a blessing to us. Your Tatay and I are so joyful to have you. Can’t believe I’m celebrating this way..with you,” pagbabahagi ng singer-actress sakanyang Instagram account.

Up to now ay ayaw pa ring ibahagi ng 27-year-old brand new mom ang identity ng ama ng bata.

Si Rita ay naging grand winner ng “Popstar Kids” in 2005 sa dating sister station ng GMA, ang QTV na kanyang naging pasaporte sa kanyang pagpasok sa showbiz. Apo rinsiya ng namayapang actor-comedian na siTeroy de Guzman.

Although taong 2007 pa siya sa bakuran ng GMA, it was only in 2018 nang umarangkada ang kanilang loveteam ng kapwa niya Kapuso singer-actor na si Ken Chan nang sila’y pagsamahin sa TV drama series na “My Special Tatay” na nasundan pa ng “One of the Baes” at “May Dalawang Ikaw”. Pinagsama rin sila ng Kapuso Network as Clash Mates (hosts) ng reality singing competition na “The Clash” since 2019.

Ngayong isa nang ganap na ina si Rita, ninanamnam muna nito ang kanyang bagong role bilang first time mom to her baby bago niya balikan ang kanyang work bilang singer-performer at host sa Sunday musical show ng GMA, ang “All-Out Sundays”.

Maaga man nabuwag ang tambalan nila ni Ken Chan, bukas pa rin si Rita na makatrabaho ang (dating) ka-loveteam na nanatiling kaibigan niya hanggang ngayon.

avilaAvila1Avila2Avila3

Nawalang anak ni Rita may kapalit

HINDI ikinakaila ng actress na si Rita Avila na ang biggest pain na pinagdaanan nila ng kanyang mister, ang Kapamilya director na si FM `Erick’ Reyes ay ang pagkawala ng kanilang baby na si Elia Jesu three weeks after he was born due to heart complications.

“We have an angel in heaven,” pahayag ng mag-asawang Rita at Erick.

Bago pa man isilang ni Rita ang kanilang baby ni Erick ay mahilig na siya sa mga dolls at meron siyang tatlong maynika na pinangalanan niyang sina Mimay, Popoy at Pony na naging extra special sa kanya laluna nang mawala ang kanilang first baby. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pangangalaga pa rin ang mga dolls na laging nagpapaalala sa kanilang mag-asawa sa kanilang nawalang baby who could have been 16 years old by now kung ito’y nabuhay.

Dahil sa pagkawala ni Baby Jesu, ito ang naging inspiration ni Rita na magsulat ng libro and came out with a booklet entitled “8 Ways To Comfort with Grace” na nasundan pa ng ilang titles including “The Invisible Wings”.

Dahil sa librong “8 Ways To Comfort With Grace” ay maraming natulungan si Rita na parents na nawalan din ng kanilang mga mahal sa buhay.

Rita met her husband Direk FM `Erick’ Reyes sa set ng TV series na “Marinella” (1999-2001) na tinampukan din nina Shaina Magdayao, Eula Valdez, Rio Locsin, Serena Dalrymple, Raymond Bagatsing, Camille Prats at iba pa.

Whenever Rita is not needed sa eksena, naroon lamang ito sa isang tabi at nagbabasa ng libro. Doon pa lamang ay napapansin na siya ng director. But during the take ay parati itong nakakapag-deliver sa kanyang lines not her knowing na unti-unti na palang nahuhulog ang loob sa kanya ang director.

Ang special attention ni Direk Erick kay Rita ay hindi maitago sa mga kasamahan ng actress sa set maging sa production staff kaya madalas na natutukso ang dalawa. Kilala rin kasi si Direk Erick sa pagiging tahimik lamang maliban lamang when he’s at work. Bago pa man nagtapos ang serye na tumagal sa ere ng mahigit dalawang taon ay naging sila na.

Rita describes her husband na very loving, caring and supportive.

“He’s also my best friend,” pagmamalaki pa ng actress and book author.

Never was there a day na sila’y nagtalo o nag-away. Bilang couple, they always talk things over sa malumanay na paraan. Sa kabila na nawalan sila ng anak, patuloy naman ang blessings na dumarating sa kanilang mag-asawa at kasama na rito ang pagdating sa kanilang buhay ng kanilang anak-anakan na si Kate na Mama at Tatay ang tawag sa kanilang mag-asawa.

Kate is now a college graduate at tumatayong road manager ni Rita. Maging ang dalaga ay naaliw, nawili at na-inlab na rin kina Mimay, Popoy at Pony, ang tatlong favorite dolls ng actress.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE