Nadine

Koronang ‘Horror Queen’ ni Kris, nanganganib maagaw ni Nadine

January 10, 2023 Ian F. Fariñas 314 views

MAY thanksgiving party ang Metro Manila Film Festival 2022 top grosser entry ng Viva Films na Deleter dahil sa patuloy na tagumpay nito sa takilya at maging sa ginanap na Gabi ng Parangal nitong nagdaang taon.

So far, sa pag-iikot sa mga sinehan ay nananatiling malakas ang showing ng Nadine Lustre-starrer.

Katunayan, isa ito sa iilang entries na hanggang ngayon ay patuloy ang pagpapalabas nationwide.

Ang iba kasing entries, binaklas na sa mga mall theater.

Sa sobrang achieve ng techno-horror film na dinirek ng multi-awarded na si Mikhail Red, sinasabi na posibleng maagaw pa ng Deleter ang titulo bilang highest grossing horror entry sa 2014 MMFF film ni Kris Aquino na Feng Shui.

Extended sa mahigit 100 sinehan sa bansa ang Deleter, na ang huling balita ay may P234 million official gross na habang ang Feng Shui ni Kris, sa pagtatapos ng extended run nito noong 2015, naka-P235 million.

Tanggapin na kaya ni Nadine ang koronang “Horror Queen” na dati-rati’y hawak ni Kris?

Kasama nga rin pala sa cast ng Deleter sina Jeffrey Hidalgo, Louise delos Reyes at McCoy de Leon.

AUTHOR PROFILE