Default Thumbnail

Rider nabundol na ng van, nakaladkad pa ng Sedan

July 16, 2023 Jonjon Reyes 308 views

TUMILAPON ng may ilang metro ang layo at tumama sa semento ang ulo ng isang 35-anyos na Joy Ride rider sa panulukan ng España Boulevard at Josefina Street (Eastbound) sa harapan ng Meralco sa Sampaloc, Manila, Linggo ng umaga

Nakilala ang biktima na si Mark Jeff Valeros, binata, ng San Miguel Village, Pasong Tamo.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bandang 4:20 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar.

Batay sa report na isinumite ni Police Corporal Genesis Flagne kay Police Major Jaime Gonzales, chief investigator ng MDTEU, binabaybay ni Valeros ang van.

Sa sobrang lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at bumagsak sa semento.

May biglang sumulpot na itim na Sedan na nasagasaan at nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima.

Mabilis na tumakas umano ang dalawang sasakyan at iniwang wala ng buhay ang kaawa awang biktima.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation sa ikalulutas ng kaso.

Isasampa ang kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property laban sa mga suspek

AUTHOR PROFILE