Default Thumbnail

Rider na sikyu dedo matapos sumalpok sa truck

August 20, 2022 Jonjon Reyes 245 views

MAAARING hindi nakontrol ng isang 44-anyos na security guard ang minamanehong motorsiklo kaya ito sumalpok sa likuran ng nakaparadang truck na tractor head na may trailer sa northbound lane ng Mel Lopez Boulevard na dating Road 10 sa Tondo, Maynila, madaling araw nitong Sabado.

Namatay habang inooserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Clarence Arteta, may asawa, residente ng Woodcraft St., Baesa, Caloocan.

Isinasailalim naman sa interogasyon ng Manila Traffic Enforcement Unit kung dapat managot sa insidente ang tsuper ng truck na residente ng Barangay Bulihan, Famy, Laguna.

Base sa ulat ni P/Cpl. Genesis Flagne, bandang 2:05 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Mel Lopez Blvd., Tondo, sa tabi ng Bldg. 9 Katuparan Vitas.

Mabilis umano ang takbo ng Yamaha Mio na motorsiklo na minamaneho ng biktima nang mawalan umano ito ng kontrol at bumangga sa nakaparadang Fuso Tractor head truck na may nakakabit na trailer.

Nagtamo ng mga sugat at bali ang katawan ng biktima, at dinala agad sa pagamutan subalit dakong 3:12 ng madaling araw ngunit idineklarang “dead on arrival” ng mga attending physician.

AUTHOR PROFILE