Alden1

Richard may itinatagong babae?

February 24, 2023 Aster Amoyo 491 views

AldenKAPUSO prized actor Alden Richards (31) is still very much single and available pero ang pagkakaroon ng girlfriend is not his priority at the moment dahil hanggang ngayon ay focused pa rin siya sa kanyang career bilang singer, actor, celebrity endorser, host and entrepreneur. At kung sino man ang magiging kasintahan ng dating ka-loveteam ni Maine Mendoza ay napaka-suwerte dahil bukod sa mabait, he is God-centered and family-oriented bukod pa siyempre sa pagiging sobrang guwapo.

Ilan sa mga babaeng na-link sa kanya in the past include commercial model-turned actress and entrepreneur na si Sam Pinto, Kapuso singer-actress and host Julie Anne San Jose at ang kauna-unahang Filipina beauty na kinoronahang Reina Hispanoamericana nung 2017 at actress na si Winwyn Marquez.

Julie Anne is happy in a relationship now with kapwa Kapuso actor-singer Rayver Cruz. Si Sam naman ay may sarili na ring pamilya gayundin si Winwyn.

Hindi rin nauwi sa totohanan ang loveteam nila ng dating actress, host at celebrity endorser na si Maine Mendoza na engaged na ngayon sa kanyang fiancé, ang Kapamilya actor at Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde.

Gasyuinman, for the sake of their loyal fans, marami pa rin ang umaasa na sana’y magtambal pa rin sa isangpelikula sina Alden at Maine na itinuturing na `phenomenal loveteam’ nung 2015.

Samantala, baka isa sa mga araw na ito ay bubulagain na lamang ni Alden ang lahat na meron na pala siyang babaeng itinatangi na ayaw pa lamang niyang ibahagi ngayon.

Gab nakalabas ng ICU

ParokyaNAKALABAS na ng Intensive Care Unit (ICU) ang isa sa mga miyembro ng Parokya ni Edgar, ang rhythm guitarist and vocalist na si Gab Chee Kee who was diagnosed of lymphoma-induced pneumonia and was at the ICU since last month.

Masayang-masaya ang PnE frontman na si Chito Miranda maging ang kanilang mga kasamahan sa band gayundin ang kanilang mga kaibigan at supporters dahil ditto.

Sa pangunguna ni Chito, nag-fund-raising sila for their colleague and they were able to raise quite an amount na pambayad sa hospital bills ni Gab at kasama na rito ang pag-auction ng D&D Gab Chee Kee guitar signed ng mga members. Binili ito ni Bryan Beros, executive producer ng Circus Music Festival sa halagang P1.3M.

Beros is a big fan ng Parokya ni Edgar at ang buong amount ay ibinayad niya sa cashier ng hospital kung saan naka-confine si Gab.

Bukod sa signed guitar, naka-raise ng P680,000 ang rapper na si Gloc9 habang ang white polo shirt ni Chito na ginamitsa music video na “Bagsakan” ay nabili ng P115,000 and P35,000 sa mga puppets na ginamit sa isa sa mga album covers ng PNE.

Dumalaw kay Gab ang kanyang mga kasamahan sa Parokya ni Edgar nung Valentine’s Day, February 14.

Pagkalabas ng ICU, ang unang hinanap ni Gab ay ang kanyang gitara.

Patuloy na nagdarasal at umasa ang mga kasamahan, kaibigan and supporters ni Gab na magtuluy-tuloy ang kanyang paggaling.

Nakakatuwa naman ang suporta at pagmamahal na ipinakita ng mga kasamahan ni Gab sa Parokya ni Edgar.

Ang Parokya ni Edgar ay binuo ng ilang high school students ng Ateneo de Manila University. Ang unang pangalan ng grupo ay “Comic Relief” na pinalitan ng Parokya ni Edgar. Ang mga original members ng grupo ay sina Chito Miranda, Jeric Estaco, Vince Montaner, Mikko Yap at Gab Chee Kee. After high school ay umalis sa grupo sina Jeric at Mikko at dito naman pumasok sina Darius Semana (lead guitarist) at ang bassist/drummer na si Dindin Moreno maging ang childhood friend ni Chito na si Buwi Meneses.

Ang Parokya ni Edgar ay nag-guest sa concert noon ng Eraserheads na siyang nagging simula ng kanilang music career.

DonBelle magkakaroon ng bagong TV series

DonbelleDonbelle1MAGBUBUNYI ang supporters ng DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil may magkakaroon ng TV series ang dalawa na nakatakdang pamahalaan ni Mae Cruz Alviar na magsisimulang mag-taping sa katapusan ng Marso.

Ang `breakthough loveteam’ na DonBelle ay nabuo nitong pandemic matapos pagtambalin ang dalawa sa hit series na “He’s Into Her” ng iWant TFC na nagkaroon pa ng part 2. Naging malaking hit din ang kanilang first movie together, ang digital movie na “Love is Color Blind” maging ang “Incovenient Love” na ipinalabas sa mga sinehan.

Next to the loveteam of KathNiel nina Katryn Bernardo at Daniel Padilla, sumunod sa kanila ngayon ang DonBelle habang naka-buntot naman ang tambalan nina KD Estrada at Alexa Ilacad, ang KDLex.

David tanggap ng fans kahit sinong ipareha

DavidWALANG duda na ang pinakabagong `golden boy’ ngayon sa bakuran ng GMA ay ang singer-actor na si David Licauco na kamakailan lamang napanaood sa Valentine movie na “Without You” with Shaira Diaz under OctoArts International Films.

Tanggap din ng fans ang tambalan nina David at Barbie Forteza kahit alam nilang meron nang Jak Roberto ang huli.

Pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra” kung saan pumutok ang tambalan nina Barbie at David ay nakatakdang muling magsama ang dalawa sa isang movie under OctoArts International Films na kukunan pa sa Vienna, Austria.

Napag-alaman naming na magbabakasyon lang daw si Barbie sa Amerika at saka nito isusunod ang movie nila ni David.

Natutuwa naman ang young actor na si David na hindi siya nakatali sa isang loveteam. Mas gusto ni David na makilala bilang isang individual actor at hindi bilang bahagi lamang ng isang loveteam.

Dionne nagging madali ang pagbabalik-showbiz

DionneDionne1IT was on February 25, 2021 nang magpaalam ang actress na si Dionne Monsanto sa kanyang showbiz career sa Pilipinas para harapin ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya sa ibang bansa.

Dionne is married to a Swiss national na si Ryan Stalder at meron na silang isang anak na babae na isinilang nung April 18, 2022.

Ang buong akala ni Dionne ay tuluyan na ang kanyang pagtalikod sa showbiz nang mag-migrate siya sa Switzerland in 2021. Pero pagpasok ng 2023 ay meron pala siyang gagawing teleserye, ang “Unbreak My Heart” na nagkataong sa Switzerland ang taping.

Being a resident now ng Switzerland, naging madali ang lahat para kay Dionne na magtrabaho sa “Unbreak My Heart” na unang kolaborasyon ng ABS-CBN, GMA, Dreamscape Entertainment at at international streaming app na Viu. Ang nasabing special series ay nakatakdang mapanood on free TV sa GMA at sa 15 territories at iba’t ibang digital platforms.

Ang “Unbreak My Heart” ay tinatampukan ng mga Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia at Kapuso actors na sina Richard Yap at Gabbi Garcia. Tampok din sa nasabing serye sina Jeremiah Lisbo, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Gardo Versoza, Laurice Guillen, Victor Neri at iba pa. Ang nasabing special series ay nakatakdang mapanood on free TV sa GMA at sa 15 territories gayundin sa iba’t ibang digital platforms.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE