Liza

Liza, balik-Instagram

February 23, 2023 Vinia Vivar 393 views

QuenMatapos ma-wipe-out ang lahat ng larawan at posts sa verified Instagram account ni Liza Soberano last Feb. 21 na ikinaalarma ng kanyang fans, the following day, Feb. 22 ay makikita na ang bagong post ng aktres.

Nag-upload si Liza ng 10 photos niya na tila mula sa kanyang bagong proyekto at sa caption ay mababasa ang tila poem o lyrics ng isang kanta na siya mismo ang nagsulat at may titulong A Flower’s Dream.

Kapansin-pansin din na may bago nang profile photo ang account ni Liza na kasamang nawala ng lahat ng mga larawan.

May bago ring IG Story na ipinost si Liza at aniya sa caption, “life update soon” at naka-link ang kanyang YouTube account na nawala rin ang lahat ng contents kasama ng kanyang IG photos.

Masayang-masaya ang mga tagahanga ni Liza na muling makita ang post ng aktres.

Ang hinala nila ay na-hack ang account ng kanilang idolo kaya nawala lahat ang mga photo.

May nagsabi namang baka sinadya talagang burahin ang mga larawan para sa bagong proyektong ipo-promote nito.

Ang kutob ng fans ay may bagong single na ilalabas si Liza at tila kuha mula sa music video ang mga larawan.

Komento ng mga netizen, “You are back!!!!!,” “I HOPE na ok ang lahat,” “Sayang naman yung mga post m idol Palage p naman ako naka heart s mga post m,” “SHE WAS WORKING ON MAKING MUSIC.”

May mga netizen naman na hindi agree kung gumimik lang si Liza para sa kanyang new project.

Pero marami rin namang pumuri sa poem/lyrics na sinulat ng aktres, kasama na rito si Bea Alonzo, at ngayon pa lang ay excited na sila para rito.

May ilan ding netizens na nakapansin na walang Valentine post ang long-time boyfriend niyang si Enrique Gil at maging si Liza mismo para batiin ang isa’t isa.

Ang huling uploads ni Quen sa IG ay ang biyahe niya sa Amerika para sa NBA.

Confused ang iba dahil sa video ni Quen na may linyang “my wife.”

Suspetsa pa ng fans, baka raw nagpakasal na sila ni Liza sa Amerika.

Anyway, hintayin na lang natin ang life update ni Liza dahil baka ipaliwanag niya rito kung bakit nga ba nawala ang mga photo at content niya sa IG at YT.

AUTHOR PROFILE