Default Thumbnail

Rebelde, hitman utas sa NegOc encounter

July 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 231 views

PATAY ang isang mataas na opisyal at hitman ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Negros Occidental kahapon.

Nakilala ang mga napatay na sina Marivi Ebarle, Alyas Ivan, commander ng section guerilla unit (SGU), Central Negros. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing hitman.

Naganap ang engkwentro nang matunugan ng militar na may 6 na rebelde sa Sitio Kawayanan, Barangay Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental.

Sa pagresponde ng militar, sinalubong sila ng bala ng mga rebelde at doon na nagsimula ang bakbakan na tumagal ng 15-minuto at ikinasawi ng dalawa.

Na-recover mula sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang .45 caliber pistol, 357 caliber revolver, 21 serviceable ammunition para sa .45 caliber firearm, anim na serviceable ammunition para sa .357 caliber revolver, dalawang steel magazines para sa .45 caliber pistol, medical kits at dalawang backpack.