Default Thumbnail

3 menor de edad nilulon ng fishpond

July 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 218 views

TATLONG menor de edad ang nasawi makaraang malunod sa fishpond nitong Biyernes sa Barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang mga biktima na sina Danica May Palma Padua, 8, pinsan nitong si Angie Palma Padua, 14, at Shaina Callorina Padua, 12, pawang mga residente ng Barangay Tagaran.

Batay sa ulat ng Police Regional Office 2, nagtungo ang mga biktima sa fishpond para lumangoy.

Napunta umano sila sa malalim na parte ng fishpond kung saan sila nalunod.

Nadala pa sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklara silang dead on arrival.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.