posas

Rape suspek nahuli sa Binan

April 16, 2024 Gil Aman 94 views

CAMP BGEN Paciano Rizal–Arestado ang isang lalaking suspek sa panghahalay sa joint manhunt ng Laguna, Cavite at Northern Samar police noong Lunes.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Unos, acting Provincial Director ng Laguna Police, ang akusado na si alyas Jason na residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ni PLt. Col. Jonathan Rbeet Rongavilla, hepe ng Biñan Component City Police Station (CCPS), nagkasa ng manhunt operation ang Binan, Laguna, Silang, Cavite at Allen, Northern Samar police na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Dakong alas-7:50 ng gabi naaresto sa Brgy. Tartaria, Silang, Cavite si alyas Jayson sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 23, Allen, Nothern Samar na nilagdaan ni Judge Armando L. Rosadiño, Presiding Judge ng nasabing korte para sa kasong rape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CCPS ang arestadong akusado.

“Patuloy ang pagtugis ng Laguna police sa mga nagtatago sa batas upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang bawat biktima.

Sa pagkaaresto ng akusadong ito naibigay na natin sa biktima ang hustisya at sisiguradohin ko na mananagot sa batas ang akusadong ito,” sabi ni Unos.

AUTHOR PROFILE