Default Thumbnail

QCPD nagsagawa ng random drug test

June 13, 2022 Melnie Ragasa-limena 267 views

PINANGUNAHAN ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen. Remus B. Medina ang pagsasailalim sa random drug test ng mga opisyal at tauhan ng QCPD na naganap noong June 11, 2022 sa QCPD Headquarters.

May kabuuang 77 na mga Police Commissioned Officer (PCOs), Police Non-Commissioned Officer (PNCOs), Non-Uniformed Personnel (NUP), at Police Aides (PAs) ang sumailalim sa nasabing drug test na isinagawa ng QCPD Crime Laboratory sa pamumuno ni PLt. Col. Lorna H Santos.

Ayon kay PBGen. Medina, ang hakbanging ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng QCPD laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng pagtiyak na ang organisasyong nagpapatupad ng kaugnay na batas ay drug-free at law-abiding citizens.

“Ito ay magsisilbing paalala sa lahat ng ating kapulisan na kailanman ay huwag masasangkot sa paggamit ng iligal na droga at sa halip ay maging ehemplo sa mamamayang pinaglilingkuran,” ang babala ni PBGEN Medina.

“Ang sinumang mapapatunayang positibo sa paggamit nito ay hindi kukunsintihin ng QCPD sa halip ay sasailalim ito sa masusing imbestigasyon at kakasuhan ayon sa alituntunin ng batas,” dagdag pa niya.