Default Thumbnail

Kelot iniluwa ng Ilog Pasig

June 13, 2022 Jonjon Reyes 263 views

ISANG hindi pa nakikilalang lalaking biktima ang nalunod sa Ilog Pasig umaga nitong Lunes sakop ng Bgy. 630, Sta. Mesa, Maynila.

Tinatayang nasa edad 20 hanggang 25 anyos ang biktima, nasa 5’2 hanggang 5’3 ang taas, nakasuot ng kulay dilaw na hoodie jacket, nakasuot ng short ng pangbasketball at katamtaman ang pangangatawan.

Base sa ulat ni Det. Christian Joseph Pineda na isinumiti kay P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, bandang 9:15 ng umaga nang itawag ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglutang ng biktima sa ilalim ng Padre Jacinto Interlink Bridge sa Bgy. 630 sa Sta. Mesa.

Hinala ng pulisya, nadulas ang biktima at nagtuloy-tuloy itong bumulusok sa ilog.

“Sa ibabaw kasi ng tubig banayad lamang, pero sa ilalim malakas ang current ng tubig kaya inanod ang biktima at hinihinalang sa ibang lugar nadulas at sa ibang parte na lamang ito lumutang.

Wala namang nakakakilala sa biktima kaya ang labi nito ay kasalukuyang isinailalim sa awtopsiya, habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan nito.

AUTHOR PROFILE