Default Thumbnail

PWD, 41, ginawang parausan ng sidecar boy

April 12, 2023 Edd Reyes 241 views

GINAWANG parausan ng 48-anyos na sidecar boy ang babaing may kapansanan sa pag-iisip sa loob ng isang tolda na nakatayo sa tabi ng bahay ng biktima sa Malabon City.

Sa kabila ng kakulangan sa pag-iisip, nagawa ring maisalaysay ng 41-anyos na biktima sa kanyang ina ang ginawang panghahalay sa kanya ng suspek na si Bryan Dela Cruz, residente ng M.H. Del Pilar St. Brgy. Tinajeros, kaya’t naisumbong nila sa pulisya ang nangyaring insidente.

Sa ulat na ipinadala ni P/SSgt. Diana Palmones ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, dakong alas-8 ng gabi noong Lunes nang himukin ng suspek ang biktima na pumasok sa tolda na nakatayo sa tabi lamang ng tinitirhan ng huli.

Naka-plano na umano ang gagawing panghahalay ng suspek sa biktima dahil inihanda na niya ang karton na kanilang hihigaan sa loob ng tolda.

Kinabukasan ng araw ng Martes, nagtaka ang ina ng dalaga kung bakit walang kibo at tila tulala ang anak, hanggang maisalaysay na ng biktima ang kahalayang ginawa sa kanya na malinaw pa niyang nai-detalye ng buong-buo.

Dahil dito, humingi kaagad ng tulong ang ina ng biktima kina P/Cpl. Federico Pineda, Jr. at P/Cpl. Marty Vilbar ng Malabon Police Sub-Station- 2 na naging dahilan ng pagkakadakip sa suspek, dakong ala-1:30 ng hapon sa kanyang tirahan sa Brgy. Tinajeros.

Sinabi ni Col. Daro na makakadagdag sa bigat ng kasong paglabag sa R.A. 8353 o ang Anti-Rape Law na isasampa laban sa suspek dahil sa pagiging PWD (person with disability) ng kanyang biniktima.

AUTHOR PROFILE