Default Thumbnail

6 babaeng Chinese nat’ls nasagip sa Pasay, suspek tiklo

April 12, 2023 Hector Lawas 168 views

BINUWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang pinaniniwalaang grupo ng mga dayuhang “human traffickers” sa Pasay City, at sinagip ang anim na babaeng Chinese nationals mula sa kanilang malupit na kapalaran.

Dahil sa isang “tip off,” matagumpay na napigilan ng International Operations Division (NBI-IOD) ng NBI ang operasyon ng grupo ng mga Chinese national sa “online human trafficking.”

Nakipag-ungnayan ang NBI-IOD sa Embahada ng Tsina upang masiguro ang kriminal na gawain ng mga suspek.

At noong Marso 31, nagsagawa sila ng raid sa lugar kasama ang Bureau of Immigration (BI) at opisyal ng Embahada ng Tsina.

Ang anim na biktima ay nailigtas at ngayon ay nasa pangangalaga ng Embahada ng Tsina.

Samantala, nahuli ng mga operatiba ang pinaniniwalaang mastermind na kinilalang si Pan Jing, isang Chinese national.

Si Jing ay ngayon ay humaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208, o ang “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012,” na binago ng RA 10364.

Ang suspek ay dinala sa Pasay City Prosecutor’s Office noong Abril 1 para humarap sa inquest hearing.

AUTHOR PROFILE