Pure

Puregold CinePanalo Film Festival extended

March 18, 2024 Ian F. Fariñas 136 views

NA-EXTEND at nagdagdag ng sinehan ang Puregold CinePanalo Film Festival entries matapos ang matagumpay na initial run at awarding ceremonies sa Gateway Cinema 5 nitong Sabado ng gabi.

Sa isang Facebook post, inanunsyo mismo ng festival director/PR man na si Chris Cahilig ang pagdadagdag ng Gateway Cinema 4 para sa hit entries na A Lab Story, Under A PIaya Moon at Shorts D and Shorts E.

Extended din ang festival run sa Gateway 2 cinemas simula bukas, March 20.

Ang Under a Piaya Moon at Last Shift ang tumanggap ng Pinakapanalong Pelikula awards sa full-length at short film categories, respectively.

Anim na tropeo ang iniuwi ng debut feature ni Kurt Soberano sa full-length category, kabilang na ang Panalong Aktor (Jeff Moses) at Panalong Pangalawang Aktor (Joel Torre).

Sinundan naman ito ng Pushcart Tales ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, na nakakuha ng apat na awards: Panalong Direktor (Direk Sigrid), Panalong Aktres (Shamaine Buencamino), Panalong Aktor (Carlos Siguion-Reyna) at Panalong Karangalan Mula sa Mga Hurado.

Dumalo rin sa awards night ang mga representative ng Movie Television Review and Classification Board (Direk Tony Reyes at Jan Marini) at Mowelfund (Boots Anson-Rodrigo at Rez Cortez) para mag-abot ng special awards sa exceptional entries.

Tinanggap ng short films na Smokey Journey, Tiil ni Lola at Kung Nag-aatubili ang first, second at third prize, respectively, ang tropeong MTRCB Responsableng Paglikha habang ang Under a Piaya Moon naman ang nagwagi sa full-length category.

Ang special citations naman mula sa Mowelfund ay tinanggap ng Ka Benjie (short film category) at Under a Piaya Moon (full-length category).

Bukod dito, namigay din ang Mowelfund ng scholarships sa sampung promising student filmmakers.

Samantala, big winner naman sa student shorts ang Last Shift ni Ronjay-C Mendiola, na nag-uwi ng limang tropeo kasama na ang Panalong Aktor at Panalong Pangalawang Aktor.

Apat na awards din ang tinanggap ng Kung Nag-aatubili ni Diezelle Masilungan, kabilang na ang Panalong Direktor at tie sa Panalong Pangalawang Aktor.

Ang nagsilbi namang mga hurado sa Puregold CinePanalo Film Festival ay sina Victor Villanueva, Emmanuel dela Cruz, Lito Zulueta, Jeffery Jeturian, Mae Cruz-Alviar, June Kim, Ivy Hayagan-Piedad, Chris Cahilig at Lyle Gonzales.

AUTHOR PROFILE