Default Thumbnail

Pulis na tiklo sa ‘pagnanakaw’ sinaksak ang sarili

October 24, 2022 Gil Aman 384 views

ISANG pulis na inakusahan sa diumano’y pagnanakaw ng alahas na humigit kumulang sa P1 milyong piso ang halaga ang nagsaksak sa sarili gamit ang isang gunting habang nasa loob ng police station ng General Trias, Cavite araw ng Linggo.

Una dito, ang nasabing pulis ang itinuro ng dalawang akusado mula sa pitong naarestong suspek.

Habang nasa loob ng investigation section ng General Trias ang pulis ay nagpaalam umano ito sa kanyang guwardiya na iihi subalit palihim na pala nito kinuha ang isang gunting na ginamit nito sa pagsaksak sa kanyang sariling leeg dakong 2:40 ng hapon.

Dinala naman agad sa pamagutan ang pulis at kasalukuyang nasa stable condition ayon sa pulisya.

Kasalukuyang nasa ilalim ng pulisya ang mga nalalabing suspek habang iniimbestigahan sa pagnanakaw ng alahas mula sa umano sa isang vault.

AUTHOR PROFILE