Dizon

Publiko pinag-iingat sa ‘patay modus’

October 19, 2022 Jonjon Reyes 270 views

MULING nagbigay paalala at pinag-iingat ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon ang publiko sa “patay modus” sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO) ng MPD, ang modus ng mga kawatan ay may dalang “pekeng” death certificate at magpapanggap na namatayan, at magbabahay-bahay upang manghingi ng “abuloy”.

Diumano, ang mga death certificate ay pinagawa sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue na kilala bilang lugar ng mga gumagawa ng pekeng dokumento.

Dahil papalapit na ang araw ng Undas, sasabihin umano ng manghihingi ng abuloy na kailangan nila ang pera dahil hindi pa naililibing ang kanilang mahal sa buhay.

Dagsa sa Maynila at sa karatig na lungsod ang ganitong modus kaya naglabas ng patalastas ang pulis-Maynila para sa kaalaman ng publiko at residente ng Maynila.

AUTHOR PROFILE