Princess gets more acting projects in the US

March 7, 2024 Aster Amoyo 727 views

Princess1Princess2ANG mahusay na Filipina actress na si Princess Punzalan, panganay na anak ng yumaong veteran broadcasters na sina Helen Vela at Orly Punzalan at ex-wife ng actor-comedian, TV host-producer and businessman na si Willie Revillame ay masaya nang namimirmihan in Los Angeles, California kasama ang kanyang American (second) husband na si Jason Field and their daughter na si Ellene Field.

While in the US ay nag-aral si Princess ng nursing at isa na siyang registered nurse doon.

Dahil passion ni Princess ang acting when she was still in the Philippines, ipinagpapatuloy niya ito sa America and she’s glad na very supportive ang kanyang husband sa aspetong ito.

While she’s already a good actress here, she took up acting lessons in America to hone her craft. She landed in a film project “Yellow Rose” in 2018 na pinagbidahan ng Fil-Am na si Eva Noblezada.

Kasama rin sa movie sina Lea Salonga, Sylvia Ramos, Liam Booth at iba pa. The movie na may kinalaman sa deportation at racism sa isang Filipina singer was written and co-directed by Diane Paragas and was shown in the US in October 2019. Bukod sa pelikula ay nakagawa rin si Princess ng ilang short films in America tulad ng “Johnny Loves Dolores,” “Phony,” “Distansya,” “Don’t Worry, I’ll Be There,” “The Gift,” “The Perfect Couple” and “Self Storage”.

Si Princess ay bahagi rin ng primetime series ng Fox, ang “The Cleaning Lady” directed by Timothy Busfield who’s known for being one of the members of the cast of “The West Wing”. Ito’y pinagbibidahan ni Elodie Yung whose character’s name is Thony. Siya bale ang lumalabas na mother ng bida as Alma.

In the US, she used to be handled by Brandon Cohen of BAC Talent but transferred to a Fil-Am singer-actor and talent manager na si Anthony Leones of Shushu Entertainment.

Although nabibigyan ng media attention ang ilang Filipino actors na nakakagawa ng mga proyekto in Hollywood tulad nina Dolly de Leon, Rubi Ruiz, Soliman Cruz, Liza Soberano, Inigo Pascual at iba pa, unknown to many, maraming Fil-Am actors ang nakapag-penetrate na rin sa pelikula at telebisyon sa tinaguriang entertainment capital of the world habang ang iba sa kanila are connected sa production works which we discovered when we attended the 1st Manila International Film Festival (January 29 to February 2, 2024) at the TCL Chinese Theaters (where the press launch and screenings of the ten entries were done) and at the Directors Guild of America kung saan naman ginanap ang gala at awards night ng MIFF.

Nakakatuwa ang pakiramdam kapag gumagawa ng pangalan ang ating mga kababayan sa ibang bansa.

Nagtataka lamang kami kung bakit ang iba nating mga sikat at mahuhusay na aktres na naka-base na sa Amerika ay hindi sinusubukan ang Hollywood tulad na lamang nina Hilda Koronel, Pinky de Leon at iba pa by tapping local agents there.

Personal naming nakilala at nakadaupang palad ang present manager ni Princess ngayon, ang Fil-Am na si Anthony Leones and asked him to reach out kina Hilda at Pinky for them to be part of his pool of talents under Shushu Entertainment. Hindi lamang si Princess and other Fil-Am actors ang hawak ng Shushu Entertainment but it is a crossover of different nationalities including Americans.

Bing shocked by Jaclyn’s death

SidMARAMI ang natuwa nang dumating ang ex-wife ng yumaong actor na si Mark Gil sa wake ng namayapang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose na si Bing Pimentel, ina ng mahusay na actor na si Sid Lucero, isa sa anim na anak ng yumaong actor na si Mark sa apat na magkakaibang babae – Irene Celebre, Bing Pimentel, Jaclyn Jose and non-showbiz Maricar Jacinto, ang huling babae minahal ng actor bago ito namayapa nung September 1, 2014 dahil sa liver cirrhosis sa edad na 52.

Inamin ni Bing na isa umano siya sa na-shock sa maagang pagyao ni Jaclyn lalupa’t wala itong kasama sa bahay at the time of her death, umaga ng Sabado, March 2 and was only discovered nung hapon ng Linggo, March 3.

Hindi man close na magkaibigan sina Bing at Jaclyn, they were always nice to each other kapag sila’y nagkikita. Inamin din ni Bing na she is in good terms sa mga nakarelasyon ni Mark nung ito’y nabubuhay pa.

Bing has two children sa namayapang actor who is Raphael John `Ralph’ Gil Eigenmann na sina Sid at Maxene Eigenmann.

Si Mark ay second son ng mag-asawang Eddie Mesa at Rosemarie Gil at kapatid ng dalawa pang mahusay na actors na sina Michael de Mesa and the late Cherie Gil.

Bukod kay Bing, may dalawa ring anak si Mark sa actress na si Irene Celebre na sina Gabby at Ira Eigenmann, isa sa namayapang actress na si Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann at isa rin sa kanyang non-showbiz wife na si Maricar Jacinto na si Stephanie `Stevie’ Eigenmann. Sampu naman ang iniwang apo ng yumaong actor na mga apo na sa tuhod ng mag-asawang Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Ang maganda kay Mark nung ito’y nabubuhay pa, he made sure na magkaka-close lahat ng kanyang mga anak kahit iba-iba ang kanilang ina.

Vic maintains good relationship with exes

VicVic1Vic2MAGANDA ang relasyon ng veteran singer-songwriter, TV host, actor-comedian at producer na si Vic Sotto sa mga ina kanyang anim na anak sa apat na magkakaibang babae – his ex-wife actress na si Dina Bonnevie, veteran actress Coney reyes, dating actress na si Angela Luz at sa kanyang present wife, ang actress-host na si Pauleen Luna.

Bossing (Vic) who is turning 70 on April 28 has six children – dalawa sa kanyang ex-wife na si Dina Bonnevie na sina Danica Sotto-Pingris at Oyo Sotto, Vico Sotto (kay Coney Reyes), Paulina Sotto-Llanes (kay Angela Luz) at dalawa sa kanyang present wife na si Pauline Luna na sina Tali at ang bagong silang na si Thia Marceline who was born on January 23, 2024.

Si Thia ay nabinyagan na kamakailan lamang at in full force ang Sotto Family.

Naroon lahat ng anim na mga anak ni Bossing (Vic) na sina Danica, Oyo, Vic, Paulina (with husband Jed Lllanes), ang mag-asawang Oyo at Kristine Hermosa maging si Tali. Dumalo ang mga kapatid ni Bossing, ang dating Senate President na si Tito Sen kasama ang wife na si Helen Gamboa-Sotto, Val at Maru Sotto. Naroon din si Ciara Sotto na isa sa mga tumayong godparents ni Thia maging ang nakatatandang kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa kasama ang kanyang mister na si Martin Imperial.

Kung magkaka-close lahat ang magkakatid na Val, Tito, Vic at Maru, gayundin ang mga anak ni Bossing (Vic) at ang magpipinsang Sotto maging ang kanilang respective in-laws.

Speaking of Bossing (Vic), tiyak na malaking celebration ang naghihintay para sa kanyang 70th birthday on April 28. Sigurado ring may pasabog ang noontime program na “Eat Bulaga” on TV5 on April 27 (Saturday) sa isa sa mga poste ng longest-running noontime show sa telebisyon along with his elder brother ni Tito Sen (Tito Sotto) and longtime friend na si Joey de Leon.

Sarah slowly adjusting to life without Richard

SarahSarah1Sarah2ACTRESS Sarah Lahbati is slowly adjusting to her new set-up with his sons na sina Zion at Kai without her ex-husband Richard Gutierrez by her side magmula nang magkahiwalay ang dalawa nung isang taon.

Aminado ang Fil-Swiss actress na mahirap umano nung umpisa pero ngayon ay unti-unti na umano niya itong nai-embrace maging ng mga bata who also get the chance to see their father (Richard) regularly.

Kapag wala umano silang work, siya umano ang naghahatid sa mga bata sa school, isang kakaibang joy na nararamdaman ng isang ina.

Ngayong aktibo na naman siya sa kanyang showbiz career, bina-balanse umano niya ang kanyang pagiging ina sa dalawa niyang anak at sa kanyang trabaho bilang actress.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE