Fuel

Presyo ng gas, diesel bababa ng katiting

March 11, 2024 Edd Reyes 99 views

HINDI halos mararamdaman ang katiting na bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo simula alas-12:01 ng madaling araw ngayong Martes.

Sa abiso ng Chevron Philippines at Clean Fuel, magsisimula silang magbawas ng 50 sentimos sa kada litro ng gasolina at sa diesel ng 25 sentimos simula alas-12:01 ng madaling araw.

Magtatapyas din ng kaparehong halaga ng kanilang diesel at gasolina ang Petron, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying V simula alas-6:00 ng umaga.

Magbabawas din ng presyo ng gasolina ng 50 sentimos kada litro at P0.25 sentimos sa diesel simula alas-6:00 ng umaga ang PTT Philippines, Unioil, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum.

Ayon kay PTT Media Relation Officer Jay Julian, sumasalamin lamang ang maliit na pagtatapyas ng presyo ng mga lokal na produktong petrolyo ang bentahan ng langis sa pandaigdigang merkado.

AUTHOR PROFILE