Default Thumbnail

Bangkay ng obrero na walang marka ng pagpatay, natagpuan

March 11, 2024 Jonjon Reyes 81 views

PATAY na nang matagpuan ang 56-anyos na obrero sa hindi pa alam na dahilan sa 2nd floor ng Mixuse Building sa J. Nakpil St., Brgy. 698, Malate, Maynila noong Linggo.

Flawless ang bangkay dahil walang sugat, pasa, hiwa o anumang marka ng pagpatay o torture ang bangkay ni Arthur Balliat nang matagpuan, ayon sa mga pulis.

Ayon kay Det. Dennis Suba ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:00 ng umaga nadiskubre ang bangkay ng biktima.

Huli siyang nakitang buhay noong Sabado ng gabi habang nagluluto ng pagkain sa kanilang barracks.

Matapos magkayayaang uminom, natulog na ang biktima at kinagabihan ng sumunod na araw natagpuang patay na ang biktima.

AUTHOR PROFILE