Damit PATAY SA DAMIT–Ang mga sinampay na damit na umano’y ninenok ng binaril na suspek sa Tondo, Manila. Kuha ni Jon Jon Reyes

‘Nagnakaw’ ng sampay, pinatay

March 11, 2024 Jonjon Reyes 85 views

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng sumpak dahil umano sa pangnenenok ng mga kalakal at sinampay na damit sa Brgy. 105 Happy Land, Tondo, Maynila noong Linggo.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Leonardo Caintoy, 35, ayon sa report. Nakilala naman ang suspek na si Marvin Buri

Sa ulat ni Det. Roderick Magpale na isinumite ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section bandang 5:30 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa naturang lugar.

Ayon sa mga nakasaksi nakita umano na kinukuha ng biktima ang mga kalakal at mga damit ng suspek at nakipag-inuman pa ang suspek habang naroroon din sa umpukan ang biktima.

Nang may nagsabi sa suspek na ang biktima ang kumuha ng mga kalakal at ang mga damit sa sampayan nagalit ang suspek kaya binaril siya sumpak at natigok.

AUTHOR PROFILE