PRC PRC

PRC nagtala ng 615 bagong agri, biosystems engineers

September 20, 2023 People's Tonight 203 views

INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na 615 sa 1,841 ang pumasa sa Agricultural and Biosystems Engineers Licensure Examination na isinagawa ng Board of Agricultural and Biosystems Engineering sa N.C.R., Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, at Tuguegarao nitong Setyembre 2023.

Ang mga miyembro ng Board of Agricultural and Biosystems Engineering na nagpatupad ng pagsusulit ay sina Engr. Ariodear C. Rico, Chairman; Engr. Sherwin O. Valdez at Engr. Caesar Joventino M. Tado, mga Miyembro.

Inilabas ang mga resulta sa loob ng dalawang araw mula sa huling araw ng pagsusulit.

Si Lee Henry David Castro mula sa Bataan Peninsula State University ang nanguna sa naturang exam na may 84.04 percent rate..

Sa mga paaralan na may mga nag-exam, ang Central Bicol State University of Agriculture – Pili ang nanguna na may 100 percent passing rate. Samantala, naging pangalawa ang University of the Philippines – Los Baños na may 92.86 percent passing rate.

AUTHOR PROFILE