Tulfo

Tulfo, 2 pa solons: Prangkisa ng palpak na power coops ikansela

September 20, 2023 People's Tonight 149 views

NAGHAIN ng resolusyon nitong Lunes si House Deputy Majority Leader Erwin T. Tulfo at kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist at dalawa pang mambabatas para agad magsagawa ng imbestigasyon para rebyuhin at posibleng ikansela ang mga prangkisa ng mga palpak na electric cooperative sa bansa.

Sa House Resolution 1302, na nilagdaan nila ACT-CIS partylist Reps. Erwin Tulfo, Jocelyn Tulfo, at Edvic Yap; Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd district Rep. Ralph Tulfo, nais din ng mga mambabatas na papasukin ang mga bagong kooperatiba ng kuryente kapalit ng mga tatanggalan ng prangkisa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cong. Erwin na naghain sila ng resolusyon matapos makatanggap ang kanilang mga tanggapan ng mga reklamo ukol sa pangit na serbisyo ng mga electric cooperatives sa kanilang mga lugar.

“Sa kabila ng mga reklamo ng brownout o kawalan ng kuryente ay patuloy pa rin naman ang pagbibigay ng pangit na serbisyo ng mga electric cooperative na ito sa kanilang mga naseserbisyuhan at nagtitiis na ang ang taumbayan,” saad ni Tulfo.

“The dismal performance of these electric cooperatives underscores the need to explore alternatives, such as the establishment of new electric cooperatives or other models for the provision of electricity in these areas, to address the long-standing issues that have plagued the residents and businesses,” ayon sa resolusyon ng mga mambabatas.

“Panahon na upang silipin natin ang pangit na serbisyo ng ilang mga power companies na ito sa pamamagitan ng pag-rebyu ng mga prangkisa nilka, pagkansela kung kinakailangan, at pagpasok ng mga bagong power players sa lugar,” giit pa ni Tulfo.

“Maraming mga electric cooperatives ngayon na gusto at handang magbigay ng kuryente sa lugar na panay ang brownout pero hindi nabibigyan ng pagkakataon dahil sam ga existing franchise ng mga walang kakwenta-kwentang nabanggit na power companies,” dagdag pa ni Tulfo.

Iginiit pa ng mga mambabatas na naghain sila ng resolusyon para agad na maimbestigahan at marebyu ang prangkisa ng mga electric cooperative na anila ay matagal nang inirereklamo ng publiko.

AUTHOR PROFILE