Default Thumbnail

PoS isusubasta ang mga nahuling asukal!

November 27, 2022 Vic Reyes 281 views

Vic ReyesANG regular na pagsubasta sa mga puslit, abandonado at iba pang overstaying na kargamento ay nakadaragdag sa revenue collection ng Bureau of Customs (BoC).

Hindi lang yan. Ang pag-subasta o pag-auction sa mga shipment na ito ay naglalayong maiwasan ang port congestion sa mga pantalan, lalo na sa Manila.

Perhuwisyo ang dulot ng pagsisikip ng shipments hindi lang sa mga taga-BoC kundi maging sa mga importer at customs broker, lalo na sa mga “small-time” na port user.

Kapag na-delay ang paglabas ng kanilang mga kargamento sa pier ay maliwanag na dagdag gastos ito sa mga naghihirap na negosyante at customs broker.

Kaya nga tama lang ang gagawing public auction ng refined at white sugar sa Port of Subic sa Zambales sa Disyembre 1 (Huwebes).

Ang isusubasta ay 19 containers na naglalaman ng asukal na may floor price na P35.39 milyon.

Ang pagbubukas sa mga sealed bid ay gagawin sa Building 306, BoC-Port of Subic, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) sa Olongapo City, alas dos ng hapon ng Disyembre 1.

“Public viewing of the merchandise will be available to qualified bidders at the New Container Terminal, SBFZ, on November 28-29,” according to the Port of Subic.

Kung hindi maipagbibili ang mga asukal sa Huwebes ay magkakaroon ng second bidding kinabukasan (Biyernes).

Para sa karagdagang impormasyon, puwedeng tumawag sa Office of the District Collector ng Port of Subic.

***

Noong nakaraang linggo ay pinasalamatan ni OFW Party-List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang Bureau of Customs (BoC) dahil sa tulong nito sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Kasalukuyan kasing dinadala ng BoC sa mga pamilya ng OFWs sa ibat-ibang parte ng bansa ang “balikbayan boxes” na hindi nai-deliver ng mga tinatawag na consolidator at de-consolidator.

Kasi nga naman hindi binayaran ng freight forwarders abroad ang local consolidators at de-consolidators. Kaya, ayan inabandona naman nila ang libu-libong balikbayan boxes.

Mabuti na lang at nagboluntaryo ang BoC, na pinamumunuan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, na i-deliver ng libre ang balikbayan boxes sa bahay ng mga recipient.

Sinabi ni Congressman Magsino na nangako ang BoC na tatapusin nila ang pagdeliver ng balikbayan boxes “by mid-December.”

GKamakailan ay nagpulong sina Magsino at BoC Director Michael Fermin para pag-usapan kung paano mapapabilis ang pagdedeliver sa abandonadong balikbayan boxes.

Bago nito ay naghain pa si Magsino ng House Resolution No. 499 sa gitna ng mga reklamong hindi binabayaran ng ibang foreign freight forwarders ang kanilang mga partner sa Pilipinas.

May mga reklamo pang nade-delay ang pag-deliver ng balikbayan boxes at may iba pang mga kahon ang ninanakawan daw ng laman.

Kawawa ang mga OFW na tinatawag pa naman nating “modern-day heroes.”

***

Napapailing na lang ang marami nating kababayan dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Lalo na ang mga produktong pagkain, kasama na ang sardinas, noodles, at iba pang essential commodities.

Pero dapat bantayang mabuti ng mga otoridad, kasama na ang opisyal at kawani ng mga barangay, ang mga nag-ooverprice na negosyante.

Hindi masama ang kumita pero huwag naman masyadong pahirapan ang taumbayan, lalo na ang mga walang trabaho at mga maliliit lang ang kinikita.

Magpapasko pa naman.

Ugali pa naman natin na kahit papaano ay mayroong pagsasaluhan ng pamilya sa araw ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus.

Tumigil na sana ang pagsasamantala ng ilang mamumuhunan lalo pa’t sayad at said na kabuhayan ng karamihan sa ating kababayan.

(Para da inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: [email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE