Viva

Pops muling babalik sa pag-arte

October 1, 2023 Aster Amoyo 266 views

Viva1IT was the late Queen of Showbiz Talk Shows Inday Badiday (Lourdes Jimenez-Carvajal) who gave the tag `Concert Queen’ to Pops Fernandez matapos ang sunud-sunod na sold-out concerts ni Pops sa Folk Arts Theater, ULTRA, Rizal Stadium at Araneta Coliseum. And Pops proved to everyone that she deserves the title given to her by Ate Luds.

It was in December 1981 when Pops was signed up by OctoArts International. Early 1982 nang isaplaka ni Pops ang kanyang unang single sa bakuran ng OctoArts sa pamamagitan ng awiting “Dito” which was produced for OctoArts by her godfather, former Senate President Tito Sotto. The song was composed and arranged by Homer Flores. Ang nasabing awitin ay kauna-unahang local song na ginawan ng music video na usung-uso na noon sa mga foreign songs and artists.

Ang awiting “Dito” ang naging carrier single ng self-titled debut album ni Pops under OctoArts at naging best seller.

Ang popularity ni Pops ay nagtuluy-tuloy nang siya’y maging co-host ni Martin Nievera (who was also starting then) sa now -defunct “Penthouse Live,” isang Sunday night musical variety show on GMA . Sa nasabing programa nagsimula ang pag-iibigan nina Pops at Martin hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang pagpapakasal nung June 28, 1986 at nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong lalaki na sina Robin at Ram, who are grown-ups now. The former couple got separated twelve years later. Pero ang maganda ngayon sa dating mag-asawa, they are the best of friends.

Pops is even good friends now sa babaeng naging cause ng kanilang paghihiwalay ni Martin na si Katrina Ojeda na may sariling buhay na rin ngayon. Si Martin ay may isang anak na lalake (Santino) kay Katrina na close din kay Pops maging sa mga anak nila ni Martin na sina Robin at Ram.

Matagal na ring walang karelasyon si Pops pero hindi umano niya ipinipinid ang pagkakataong umibig muli sakaling may dumating sa kanyang buhay lalupa’t malalaki na ang kanilang mga anak ni Martin with the eldest Robin who is soon to become a father of a baby boy sa kanyang non-showbiz partner.

Last Friday, September 30 ng hapon, ginulat ni Pops ang marami nang ito’y lumagda ng management contract with Viva Artists Agency na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus. Bukod sa paghu-host, muling babalikan ni Pops ang recording at acting na matagal-tagal na ring hindi niya ginagawa.

Babalik rin siya sa concert stage sa February 2024 pero hindi pa siya nagsi-share as to the details of her major concert na pang Valentine.

Bago ang paglagda ni Pops ng management contract with Viva where she recorded her “Silver” album in 2006 ay sinimulan na niya ang paghu-host ng isang romance weekly anthology na pinamagatang “For the Love” na joint venture ng TV5 and Viva Television.

Mga comedian awardees ng FDCP di nakadalo

SingAwardsAwards1Awards2HINDI nakadalo sina Vice Ganda, Ai-Ai de las Alas, Eugene Domingo at ang Tito, Vic & Joey nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon triumvirate sa closing ceremony ng Philippine Film Industry Month (September) na may temang “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan” ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by its Chairman-CEO, ang veteran singer-actor na si Tirso Cruz III para tanggapin ang kanilang mga parangal bilang makabagong comedy icons. Tanging si Michael V. lamang ang personal na tumanggap ng parangal.

Ang panganay na anak ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas na si Sancho de las Alas ang tumanggap ng parangal para sa kanyang ina na nasa San Francisco, California, USA pero nagbigay siya ng video message. Ang kaibigang si Direk Chris Martinez naman ang tumanggap ng award ni Eugene na nasa Madrid, Spain. Nagpadala rin ng representative si Vice Ganda na siyang nagbasa ng mensahe ng comedy superstar habang ang mga anak nina Tito, Vic & Joey na sina Quezon City Vice-Mayor Gian Sotto, Oyo Boy Sotto at Jako de Leon ang tumanggap ng award on behalf of their respective fathers.

Guest performers include Jed Madela, Sheryn Regis, Marlo Mortel, Drei Sugay at Jeremy Glinoga habang si Ryan Agoncillo naman ang tumayong host ng event. Bago nagtapos ang event ay inihayag ni Chairman-CEO Tirso Cruz III ang magiging official entry ng Pilipinas sa 96th Oscars Academy Awards on March 10, 2023 para sa Best International Feature Film Category, ang local animated film na “Iti Mapukpukaw” (The Missing) ni Carl Joseph Papa na tatanggap ng P1-M support from FDCP. Ang nasabing pelikula ang kauna-unahang animated film na naging kalahok sa recently-concluded Cinemalaya Independent Film Festival.

Ruby iba ang ipinakikita sa Vivamax movie

Pic3LAUNCHING movie ng baguhang sexy actress na si Manang Medina ang sexy-thriller movie na “Langitngit” na pinamahalaan ni Christopher Novabos and for Vivamax streaming sa darating na October 6, 2023 pero ang mahusay na acting na ipinakita ng underrated actress na si Ruby Ruiz ang malamang na matatandaan ng mga manonood. Kasama rin sa pelikula sina Itan Rosales, Zia Zamora, Erika Balagtas, Mon Mendoza, Aurora Yumul at Trixie Emmanuel.

Isa kami sa umaasa na balang araw ay mabigyan din ng pagkilala sa ibang bansa si Ruby tulad ng nangyari kay Dolly de Leon sa Hollywood movie na “Triangle of Sadness” na nagbigay sa kanyang ng iba’t ibang international acting nominations including Emmy and BAFTA.

Si Ruby ay nagkaroon ng pagkakataon na mapasama sa Hollywood TV series na “Expats” kung saan ang Hollywood star si Nicole Kidman ang pangunahing bituin. Malapit na itong matunghayan sa Amazon Prime.

Tulad ni Dolly, nagsimula rin sa teatro si Ruby kung saan nahasa ang kanyang husay sa acting.

Samantala, hindi bothered si Ruby sa kanyang pagiging bahagi ng mga sexy movies na palabas sa Vivamax. Kung ang mga bida rito ay mga katawan ang ipinakikita, husay naman sa acting ang maipagmamalaki ni Ruby tulad sa “Langitngit” na malapit nang mapanood.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE