Piolo

Piolo, niregaluhan ng mamahaling kwintas ni Inigo

June 20, 2023 Vinia Vivar 428 views

Proud na ipinakita ni Piolo Pascual ang kwintas na regalo sa kanya ng anak na si Inigo Pascual nitong katatapos na Father’s Day. Suot-suot niya ito sa mediacon ng Mallari at ibinahagi ang celebration nila sa espesyal na araw na ‘yun.

Ayon kay Papa P, noong Father’s Day ay nagkataong last day ng run ng musical stage play niyang Ibarra at dumating si Inigo kaya mas lalong naging espesyal sa kanya ang araw na ‘yun.

“It was really special. Yesterday was the last day of our run of Ibarra and he was there. This is his gift,” sey ni Piolo sabay pakita ng infinity necklace na suot niya.

“I don’t wear jewelry. He went into my room and gave me an infinity necklace, so that’s why I’m wearing it,” sey pa ni Papa P.

Masayang-masaya rin ang aktor na nasa Pilipinas ngayon ang anak at magkasama sila sa Father’s Day.

“He came to the show yesterday, he stayed, so he spent Father’s Day with me,” aniya.

“He’s back, he’s been here for a week now, so we’re doing projects together as well,” dagdag pa niya.

Needless to say, proud father si Papa P sa mga achievement ng kanyang anak.

“He’s growing to be a very talented young man, he’s turning 26 already and he’s doing a lot of projects here and in the States as well, so I’m just happy for, you know, how he is evolving, how he’s becoming independent, and you know, a total performer actually,” masayang tsika ni Piolo.

Dagdag pa niya, “He made me listen to his songs yesterday and I said, ‘ako na ang magpo-produce ng album mo.’ Napakaganda ng mga song that he composed and I’m just really excited for what’s in store for him. He’s going to release his album anytime soon.”

Samantala, after Ibarra ay balik-pelikula ang tinaguriang Ultimate Heartthrob in Mallari kung saan ay gagampanan niya ang papel na Fr. Juan Severino Mallari, the first documented Filipino serial killer.

Ayon sa aktor ay excited na siyang gawin ang film at first time niyang gaganap sa tatlong karakter. Exciting pero very challenging din daw.

Ang Mallari ay intended for the Metro Manila Film Festival 2023 under Mentorque Productions at ididirek ni Derick Cabrido.

AUTHOR PROFILE