Piolo

Piolo at Shaina huli sa isang beach resort sa Cebu

October 19, 2021 Aster Amoyo 621 views

KAMAKAILAN lamang ay lumabas ang ilang viral photos kung saan nakita sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa isang beach resort kung saan din nila kasama ang isa pang rumored couple na sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago.

Piolo and Shaina were seen holding hands together. Nakita ring nakahilig ang singer-actress kay Piolo na nakayakap sa beywang ng dalaga at ang ikinaintriga ng lahat ay nakunan ng litrato ang dalawa na nakitang natutulog o nagpapahinga na nakahiga sa lap ni Shaina ang actor habang nakapatong ang ulo ng aktres sa dibdib ni Piolo na hindi gagawin ng isang ordinaryong magkaibigan lamang.

Ang paniwala ng marami ay na-rekindle kung anumang relasyon meron ang dalawa noon.

It was in 2013 nang unang magkasama sina Piolo at Shaina sa pelikulang “On the Job” na pinamahalaan ni Erik Matti but it was in 2017 nang magsimula silang ma-link sa isa’t isa nang muli silang magsama sa pelikulang “Ang Panahon ng Halimaw” na dinirek ni Lav Diaz and was shown in 2018. From that time up to 2019 ay naging open ang dalawa sa kanilang espesyal na pagkakaibigan. There were even times that Piolo would profess his love for Shaina at kung gaano ka-espesyal ang aktres sa kanya. May pagkakataon din na ang dalawa ang magka-date na dumalo sa ABS-CBN Ball and were seen together in different occasions at kasama na rito ang ilang travels abroad including France but the two never confirmed nor denied that they were in a relationship hanggang sa unti-unti na lamang mag-fizzle out whatever relationship they had .

Si Shaina ay close sa pamilya ni Piolo at gayundin ang actor sa pamilya ng aktres laluna sa nakatatanda nitong kapatid na si Vina Morales.

Kung anuman meron kina Piolo at Shaina ngayon ay masaya ang kanilang respective families at mga kaibigan sa kanilang dalawa.

AlexAlex kinumpirma ang miscarriage

SA kanyang Instagram account, kinumpirma ng singer-actress-comedienne, book author, celebrity endorser at vlogger na si Alex Gonzaga na nagkaroon siya ng miscarriage recently sa magiging first baby sana nila ng kanyang businessman-politician husband na si Mikee Morada.

“Hi. 2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum). Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for a while for the pregnancy to finally end before we can tell our story. The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that the embryo would still appear but last Tuesday (Oct. 12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy. We share our story to give hope that in the midst of this pain and loss the Lord will always sustain you. To any couple who’s going through this or who might go through this pain, don’t ever lose hope. It’s not your fault this happened. At your own pace you can start to grieve and heal. Mikee and I held on to our Lord Jesus to prepare and help us accept our situation. He blessed us with a kind of LOVE that is ready to understand. We know that in His perfect time He will bless us with our ultimate desire. To our baby whom we almost had, thank you for giving mommy and daddy joy even for a short span. Lastly, thank you to everyone who gave us time to heal,” mensahe ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga sa kanyang Instagram account.

JomariJomari at Abby gustong magkaanak

AYON sa present partners na sina Jomari Yllana at Abby Viduya (na kilala rin sa screen name niyang Priscilla Almeda), una silang nagka-inlaban noong mid-90’s nung pareho pa sila in their teens. Pero palibhasa’y mga bata ka at naging busy sa kanilang respective career ay nagkahiwalay sila. Years later ay nag-asawa si Jomari sa actress na si Aiko Melendez at nagkaroon sila ng isang anak na si Andre, now 23 years old. Pero ang pagsasama nina Jomari at Aiko ay nauwi sa hiwalayan. Kasunod nito, si Jomari ay na-link kina Ara Mina, Pops Fernandez at Joy Reyes kung kanino may dalawang anak na parehong lalake si Jomari na sina Fangio at Ayrton.

Si Abby ay may tatlong anak din, isa sa dati nitong naka-relasyon at dalawang babae naman sa kanyang huling partner sa Canada. Pagkaraan ng mahigit dalawang dekada ay nag-reconnect sina Jomari at Abby hanggang sa muling magkabalikan nung 2019.

Kung nanaisin nina Jomari at Abby na magpakasal ay posible ito at paminsan-minsan ay sumasagi umano ito sa kanilang usapan.

Since 45 na sila pareho, umaasa pa rin ang dalawa na sila’y mabibiyaan ng kahit na isang anak. Pero sa ngayon ay pareho silang masaya bilang couple. Ina-appreciate din ng actor-politician ang pagiging supportive sa kanya ni Abby laluna pagdating sa kanyang political career. Si Jomari ay muling tatakbo sa pagka-konsehal ng isang distrito ng Paranaque. Kapag walang ibang commitments, si Abby naman ay nanatiling plain `housewife’ sa actor bagay na pinasasalamatan nito.

Sa pagbabalik ni Abby sa Pilipinas at pagiging aktibong muli sa showbiz ay nagagawa nitong balansehin ang kanyang oras between her role as `wife’ ng actor-politician at sa kanyang trabaho bilang aktres na matagal din niyang tinalikuran when she settled in Canada for years.

KylieKylie no comment sa relasyong Aljur-AJ

NGAYONG hiwalay na si Kylie Padilla sa kanyang ex-husband, ang actor na si Aljur Abrenica, gusto ng Kapuso actress na mag-focus sa kanyang acting career at pagiging ina ng dalawa niyang anak (kay Aljur) na sina Alas Joaquin at Axl Romeo na pareho pang maliliit.

Alam ni Kylie na hindi madali ang papel ng isang single mom pero gusto niyang lumaki ang mga bata na kilala ang kanilang ama at hindi nawawala ang obligasyon nito (Aljur) sa mga bata.

Samantala, ayaw ng Kapuso actress mag-react tungkol sa napapabalitang pagkakamabutihan ngayon ng kanyang ex-husband na si Aljur at ng Viva sexy star na si AJ Raval, anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE