Default Thumbnail

Pinsala sa imprastraktura dulot ng Christmas flash floods umabot na sa P1.137B

January 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 182 views

UMAKYAT na sa P1.137 bilyon ang pinsalang dulot ng walang tigil na pag-ulan na naging sanhi ng malawakang pagbaha nitong Pasko sa Visayas at Mindanao.

Ito ang iniulat nitong Sabado ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa update ng NDRRMC, umabot naman sa P237.7 milyon ang pinsalang tinamo ng agrikultura sa MIMAROPA, Region V, Region 9, Region 10 at Region X1.

Ang Christmas weekend flashfloods ay sanhi ng malalakas na pagulan na bunga naman ng ‘shear line’ o ang pagsasanib ng malamig at mainit na hangin na bumubuo ng malalakas na pagulan.

Sa tala ng NDRRMC, umaabot din sa 9,710.5 mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan na kinabibilangan ng 2, 518 sa Bicol Region, apat sa Eastern Visayas , isa sa Region 9 at 7,187.5 naman sa Region 10.

Napinsala din ang may 7,707.589 hektaryang mga pananim kung saan 3,769.009 hektarya dito ay sa Region 10 habang ang pinsala sa livestock, poultry at pangisdaan ay nasa P 27,657,440.

Nitong Sabado, dalawa pa ang naiulat na nadagdag sa bilang ng mga nasawi kung kayat pumalo na sa 46 katao ang kabuuang death toll.