Default Thumbnail

Babae binaril ng ‘magnanakaw’ na nakasuot ng face mask sa Cavite

January 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 269 views

ISANG babae ang nasugatan matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspect na hinihinalang magnanakaw habang nakatayo sa kalye nitong Biyernes sa Tanza, Cavite.

Ang biktimang isinugod sa Gentri Medical Hospital ay nakilalang so Rachel Abu-Abu, nasa hustong gulang at residente ng lugar.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong 4:35 ng madaling araw sa Barangay Paradahan 2, Tanza.

Ayon sa kaanak ng biktima na si Christine Joy Pecayo, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril at nakita na lamang ang biktima na nakahandusay at nagdurugo.

Nakita din umano niya ang suspect na nakasuot ng face mask palayo sa lugar.

Nang tignan ang kanilang mga gamit ay napansin umano niyang nawawala na ang dalawang samsung laptops ng biktima at isang Samsung A46.

Sa tulong ng mga nakasaksi, dinala ang biktima sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisyanupang bigyang linaw ang insidente.