Default Thumbnail

Pekeng online doc buking sa maling reseta

November 9, 2021 Francis Naguit 219 views

SWAK sa kulungan ang isang umano’y pekeng doktor matapos maghain ng reklamo sa pulisya ang isang may-ari ng klinika sa Tondo, Manila.

Bandang 2:30 p.m. nitong Lunes nang bitbitin ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct ng Station 7 ang suspek na nakilalang si Omar Moharin, binata at residente ng Block 5, 225 – E Rodriguez Sr., Avenue , New Manila , Quezon City.

Batay sa ulat ni P/ Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll , Station Commander ng MPD – Station 7 , bandang 2:30 p.m. nang bitbitin ang suspek sa isang bahay sa 2101 Jose Abad Santos Avenue sa panulukan ng F. Yuseco St.

Nagbunsod sa pagkaaresto ng suspek nang humingi ng tulong ang isang Raffy Crespo,31, may asawa may ari ng Star Medical Clinic at residente ng 1858 Prudencia St., Tondo.

Salaysay ni Crespo, dahil sa online consultations ay naghanap umano ito ng doktor para sa kanyang klinika.

Nagpakita umano ng license bilang doktor si Moharin at ilang dokumento na may kinalaman sa panggagamot.

Tinanggap naman umano ang suspek ni Crespo para sa online consultations at ang starting salary nito ay nasa P3,500 kada araw.

Kinalaunan ay nagduda si Crespo sa mga inirerekomendang reseta ng suspek sa mga pasyente.

Dahil dito, nag-imbestiga si Crespo at nadiskubre nito sa PRC na wala ito sa listahan ng mga lisensyadong doktor.

Humingi ng tulong ang biktima sa tanggapan ng Lt.Col. Lorenzo.

Narecover mula sa suspek ang medical gown, paraphernalia at mga ID.

Si Moharin ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 2382 (Medical Act of 1959), Article 315 (estafa) at Article I70 (falsification of document) ng Revised Penal Code.

Ang suspek isailalim sa masusing imbestigasyon ni P/SSg Renante Cruzmay hawak ng kaso. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE