Posas

Pekeng manghuhula hinuli

January 12, 2024 Melnie Ragasa-limena 176 views

ARESTADO ang isang suspek na nagpapanggap umano na feng shui expert at tumatangay ng pera at alahas ng kanyang mga biktima.

Tinatayang aabot na sa P50 milyon ang natangay umano ng suspek na isang transgender at kilala din sa pangalan na Celine sa kanyang mga nabiktima mula pa noong 2015.

Sa bisa ng warrant arrest para sa kasong dalawang counts of estafa ay sinalakay ng mga operatiba ng QCPD special operations unit ang condominium ng suspek na matatagpuan sa P. Tuazon, Cubao, Quezon City.

Ayon sa QCPD, modus ng suspek na mangpanggap na Feng Shui expert at kung minsan ay manghuhula.

Taong 2015 pa raw nang may magreklamo sa suspek.

Mariin namang itinaggi ng suspek ang mga akusasyon sa kanya.