DMW Source: US Central Command

PBBM sa DMW: Pamilya ng 20 seafarers na apektado ng Red Sea attacks tulungan

May 25, 2024 Chona Yu 162 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na bigyan ng tulong ang pamilya ng 20 Filipino mariners na naapektuhan ng Red Sea attacks.

Ayon sa Pangulo, ito ay para masiguro na natutugunan ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng pamilya.

Agad tumalima si DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa utos ni Pangulong Marcos.

“We are handholding the families as directed by the President,” pahayag ni Cacdac.

Tinangay ng Iranian authorities ang tatlong Filipino seafarers na sakay ng container ship MSC Aries habang 17 Filipino seafarers naman ang tinangay ng Houthi rebels nang umatake sa Red Sea.

Ayon kay Cacdac, ligtas ang mga Filipino seafarers at tuloy ang komunikasyon sa kani kanilang mga pamilya.

Katunayan, tatlo sa mga Filipino seafarers na sakay ng MSC ay makauuwi nasa kani-kanilang pamilya sa 17 Filipinos na nasa Galaxy Leader ay nasa stable condition.

Nagpasalamat si Cacdac sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa suporta para nailigtas ang mga Filipino seafarers.

AUTHOR PROFILE