BBM

PBBM dinagsa sa Singapore mall

September 17, 2023 People's Tonight 240 views

Dinagsa ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng maglibot ito sa isang mall sa Singapore.

Dumating si Pangulong Marcos sa Lucky Plaza Mall sa Orchard Road upang kumustahin ang mga Pilipino na naroon.

Hindi umano mapigilan ang mga OFW na nais na makalapit sa Pangulo.

“Happy po kami, happy po kami dahil nakita po namin ang presidente namin nang personal,” sabi ng isang OFW.

Nagpahayag din ang mga ito ng pagsuporta sa administrasyong Marcos at umaasa na magtutuloy-tuloy umano ang mga pagbabagong ginagawa nito upang umunlad ang Pilipinas.

“Sana magtuloy-tuloy pa ang pagbabago ng Pilipinas. We’re happy for the changes in the Philippines,” sabi naman ng isa pang OFW.

“Good luck and ingat palagi ang we’re hoping that our country be very successful country that we have,” hirit ng isa pa.

“Mahal na mahal ko po si BBM. I love you so much.”

Tuwing pumupunta sa ibang bansa ang Pangulo ay hindi nito nakikitang dumalaw sa mga Pilipino na naroon.

Nasa Singapore ang Pangulo para sa 10th Asian Summit na kanyang sinabayan ng pakikipagpulong sa mga dayuhang negosyante upang mahikayat ang mga ito na mamuhunan sa Pilipinas.

AUTHOR PROFILE