Checkpoint Makikita si MPD Director PBGen. Andre P.Dizon habang nagsasagawa ng patrol at checkpoint operations kasama ang SWAT at DMFB ng MPD. Kuha ni JONJON REYES

Patrol ops, checkpoints ni Dizon sa Maynila tuloy-tuloy

September 11, 2022 Jonjon Reyes 299 views

TULOY-TULOY ang pagsasagawa ng checkpoints at patrolling operations ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni MPD Director Police Brig. General Andre P. Dizon upang mabawasan ang krimen sa Maynila.

Batay sa ulat ni Police Major Philipp Ines, mula Setyembre 4 hanggang Setyembte 10 ay umabot sa 5,081 iang hinuli at pinagsabihan ng mga tauhan ng MPD mula sa Station 1 hanggang Station 14 dahil sa hindi pagsuot ng face mask. Dagdag pa dito ang nasa 760 na inaresto nila dahil sa paglabag sa curfew.

Bukod pa sa 3,093 ang dinampot dahil sa paglabag iba’t ibang ordinansa.

Umabot din sa 38 ang inaresto dahil sa pag-inom ng alak at 1,579 sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Nasa 747 ang hinuli sa paglabag sa ‘half-naked ordinance’, 635 sa obstruksyon, 58 sa pag-ihi sa pampublikong lugar at 36 sa paglabag sa iba pang ordinasa.

Nagkasa ang MPD ng 19 na operasyon nitong nakaraang linggo na nagresulta sa pagkakadakip sa 43 na suspek, pagkakakumpiska sa 47.94 gramo ng shabu at 2,001 gramo ng marijuana na may katumbas na halagang P566,112.00.

Nasa 60 anti-gambling operations rin ang isinagawa na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa 160 suspek. Nasa P41,213 halaga ng ebidensya ang nakumpiska at 60 kaso ang naisampa sa korte.

Ayon sa direktiba ni Police Brigadier General Andre Perez Dizon, patuloy ang pagsasagawa ng mga patrol operations at checkpoints para sa mabilisang pagsugpo na mga kriminal.

AUTHOR PROFILE