Default Thumbnail

Pastol, 4 na kasama huli sa nakaw na baka

April 13, 2024 Steve A. Gosuico 76 views

PANTABANGAN, Nueva Ecija — Arestado ang limang lalaki ng mahuli sa akto na nagnanakaw ng baka noong Biyernes.

Nahuli ang lima na dala-dala pa ang ninakaw na hayop sakay ng jeep na natatakpan ng trapal, ayon sa mga pulis.

Arestado ang 26-anyos na lalaking suspek na itinuturong pastol ng ninakaw na hayop.

Nadakip din ang apat pang suspek na may edad 53, 40, 38 at ang 36-anyos na driver ng jeep.

Rumesponde ang mga pulis ng makatanggap ng tawag mula sa may-ari ng baka na si Michael Joperson Pacolor, 40, ng Emerald St., Brgy. Villarica.

Ayon sa may-ari, nakita niya ang mga suspek na isinakay ang baka sa jeep alas-12:15 ng madaling araw.

Narekober ng pulisya mula sa 52-anyos na suspek ang isang cal.9mm pistol at anim na bala.

Inimpound ang jeep (ADF-659) na isa sa mga ebidensiya sa krimen.

Kakasuhan ang lima ng paglabag sa Anti-Cattle Rustling Law of 1974, qualified theft at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

AUTHOR PROFILE