Lapid1

Lapid nagpasalamat sa suporta ng mga Muslim sa Mindanao

April 13, 2024 People's Tonight 86 views

NAGPAABOT ng suporta kay Senador Lito Lapid ang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao sa kanyang re-election sa nakatakdang 2025 national election.

Nakausap ng Senador ang grupo ng mga Muslim sa pagdating sa Laguindingan airport at nang maghapunan sa Panagatan restaurant sa Opol, Misamis Oriental nitong Biyernes ng hapon, April 12.

Magiliw na nag-selfie at nagpakuha ng larawan ang mga tao kay Senador Lapid.

Kasama ng Senador si TIEZA COO Mark Lapid.

Nagpasalamat naman si Senador Lapid sa patuloy na suporta sa kanya ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao.

AUTHOR PROFILE