Default Thumbnail

Brgy leader umawat sa lasing, tigok sa saksak

April 13, 2024 Gil Aman 115 views

PATAY ang isang purok leader matapos saksakin sa dibdib ng pinsan na lasing na inaawat lang ng biktima habang nagwawala noong Biyernes sa Sitio Kamandag 1, Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ng Antipolo police ang biktima na si alyas Freddie na idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Justine Zafra, attending physician ng Antipolo District Hospital.

Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si alyas Alex na kapitbahay ng biktima.

Nabawi ng mga pulis mula sa suspek ang ginamit na kutsilyo sa pananaksak. Naganap ang pananaksak dakong alas-6:40 ng gabi.

Inawat ng biktima ang suspek sa pagwawala dahil siya ang leader sa kanilang barangay, ayon sa mga saksi.

Pero sa halip na sumunod ang suspek nagalit pa ito kaya inundayan siya ng saksak sa kaliwang dibdib.

Nakatakdang sampahan ng kasong homicide ng Antipolo police ng suspek.

AUTHOR PROFILE