Posas

2 nasapot ng pulis sa spider derby sa Ecija

April 13, 2024 Steve A. Gosuico 110 views

TALAVERA, Nueva Ecija–Arestado sa bayang ito ang dalawang lalaki dahil sa spider derby noong Biyernes.

Sinabi ni Nueva Ecija provincial information chief Captain Noemi Gogotano na nasakote ang dalawa sa akto habang nagsusugal sa Brgy. San Pascual dakong alas-9:50 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang limang gagamba, dalawang bamboo stick at P2,600 bet money.

Sasampahan ang mga suspek sa provincial prosecutor ng Cabanatuan City ng mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Prescribing Stiffer Penalties on Illegal Gambling.

AUTHOR PROFILE