Default Thumbnail

Pasko para sa mga Pilipino

December 26, 2022 Magi Gunigundo 325 views

Magi Gunigundo​MALIGAYANG Pasko 2022 sa ating lahat!

​Pagkain, pera, damit, regalo,13th month pay, at kasiyahan ang laman ng isip ng Pilipino bastapumasok ang Disyembre. Ginagawang dahilanang   pagsilang ng Panginoon HesusKristo upangbigyan katwiran ang pagnanakaw ng kandilaupang makapagbasa ng Bibliya.

Sa kabila ng pagiging Katolikong bansa sa Asya, mababaw ang kamalayan ispirituwal ng Pilipino sa kahalagahan ng pagsilang ng Anak ng Diyos sa sabsaban. Para sa mga kabataan, panahon ito ng mga Christmas party at pamamasyal kasama ang kani-kanilang tropa. Dinagsa  ang reunion concerts ng dalawang sikatna banda.

Para sa mga nagtratrabaho, nakakatamad na rin pumasok ngunit kailangan magpraktis ng sasayawin sa office party.

Para sa mga LGU at iba pang ahensiya ng pamahalaan, nagkukumahog para ubusin ang badyet ng 2022 para hindi matapyasan ang badyet ng ahensiya sa darating na taon dahil  lumalabas na hindi pala kayang ubusin ang perang hiningi nila. Imbes na purihin sa pagiging masinop, parusa ang gantimpala sa ahensiyang matipid.

Para sa mga katulad kong ipinanganak sa dekada sisenta, lumaki kami sa paniniwala na mabait at biktima ng karahasan  ang mga puting migranteng Kristiyano na nilulusob ng masamang Indian Pana na mga pagano, may sariling wika at barok mag-English. Kabaligtaran ito ng katotohanan. Ang mga dayuhang  puti ang mang-aagaw ng lupa ng may lupa. Ang alam natin sa kasaysayan ay katwiran ng isang dominante at nangingibabaw na kultura para sa mga aksyon nilang kabaligtaran ng aral ni Kristo na mahalin ang kapwa at magtiis sa pasakit. Sinabi ni Voltaire, ang problema ay mga pari na ginawang pamahiin ang relihiyon at binalasubas ang mga aral ni Kristo sa paglalabas ng mga doktrina na hindi laman ng Bibliya. Sabi nga, “kabahan ang gansa kapag nangaral na ang lobo.”

Namulat ang aking mga estudyante ng batas sa ginawang pagkamkam ng mga banyagang puti na galing sa Europa sa mga lupain ng mga katutubong Amerikano na tinaboy sa mga lupain na tinawag na “reservations” na hindi maaaring ibenta sa pribadong sektor (Johnson v M’Intosh[1823]). Ito ang nililihim na  “prequel” ng “regalian doctrine” na pinagtibay ang pagkamkam ni Magellan ng Mactan at lahat ng mga karatig isla sa ngalan ng kanyang patron

AUTHOR PROFILE