Baril

Pasikat ng baril timbog

March 23, 2024 Edd Reyes 81 views

NALAMBAT ng mga pulis ang isang suspek sa pagbebenta ng shabu habang naghahasik ng sindak noong Biyernes sa Taguig City.

Inabutan pa ng mga tauhan ng Taguig City Police Station si alyas Bilog habang nagwawasiwas ng kalibre .38 revolver, dakong alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Rizal.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, nakatanggap ng tawag ang tanggapan ni Taguig police chief P/Col. Robert Baesa tungkol sa lalaking palakad-lakad na armado ng baril sa lugar.

Nakumpiska ng pulisya sa suspek ang dalang baril na may karga pang dalawang bala na walang kaukulang dokumento.

Natuklasan sa record ng Crime Information, Reporting and Analysis System (CIRAS) ng Philippine National Police (PNP) na may warrant of arrest na inilabas laban kay alyas Bilog para sa kasong murder.

AUTHOR PROFILE