Paoheart

Paolo, naninibago sa atensyon ng publiko

November 7, 2021 Vinia Vivar 254 views

Aminado si Paolo Contis na naninibago siya sa atensyong ibinibigay sa kanya ng mga tao ngayon na lahat na lang ng gawin niya ay nama-magnify.

Tulad na nga lang ng kamukha niyang sculpture na ipinost ni J-Hope ng BTS na talaga namang nag-trending.

“Naninibago ako, to be honest. Kahit anong galaw mo, napapansin siya. Naninibago ako pero para sabihing nae-enjoy ko siya, hindi naman. Pero tanggap ko ba siya? Yes, I know it’s part of the job,” sey ni Paolo sa virtual mediacon ng bago niyang serye sa GMA-7 na I Left My Heart in Sorsogon.

Mas ikatutuwa raw niya kung ang mas napapansin sa kanya ay ang kanyang trabaho sa isang proyekto kesa punahin ang personal life niya.

“Ako, to be honest, an actor, siyempre mas gusto natin na kung mag-trend ka, dahil sa acting mo. Kung ma-bash ka, dahil sa acting mo. Kasi artista ako, eh.

“Naniniwala ko na we should be judged by our profession. Kung mali akong umarte, bilang artista, kung pangit ang acting ko, du’n ako madya-judge,” he said.

Samantala, happy si Paolo na nakasama siya sa I Left My Heart In Sorsogon with Heart Evangelista and Richard Yap.

Kaya naman talagang ibinigay niya rin lahat sa project.

“Malaking bagay sa akin ‘yung sumugal ang GMA na ako ‘yung kunin sa programang ‘to,” aniya.

Magsisimula na sa Nov. 15 ang ILMHIS sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE