Bistek

Bistek: It’s unfortunate na inuna nila ’yung foreign films

November 7, 2021 Ian F. Fariñas 241 views

IPINAGPAPASALAMAT ni dating Quezon City mayor at ngayo’y senatoriable na si Herbert “Bistek” Bautista ang desisyon ng IATF na payagan na ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Miyerkules, November 10.

May concern nga lang siya at ito ay ang pangyayaring mas inuna ng theater owners ang pagpapalabas ng mga pelikulang banyaga kesa Pinoy films.

Sa isang intimate lunch kasama ang ilang entertainment press, sinabi ni Bistek na, “It’s unfortunate na inuna nila ’yung foreign films. Sana naman inuna nila ’yung mga pelikulang Pilipino para naman mabuhay natin ’yung local film industry.

“Remember, industry nga ’yung tawag. Meaning, may propsman, may make-up artist, may catering, set, karpintero diyan, shooting location, etc. That’s why we’re called an industry.

“So that talagang mabuhayan naman. And I hope the government considers that. It’s not all about profit for theater owners or even taxes pagdating sa amusement tax. But it’s more about recovering from the loss of the movie industry.

“So ’pag nakita ng movie industry producers saka ng major players ’yan, parang magiginhawahan sila, ‘sige gawa pa tayo, okay na.’ And then in the next few ‘o, 50 percent capacity na, ’wag nang 30, kaya naman, eh, ’di ba?’ So ’yun ’yung aking desire sana…”

Maliban dito, sina-suggest din ni Bistek ang pagbabawas sa utility fees na sinisingil ng mall owners sa mga movie producer para lalo pang makaahon ang industriya.

“Maybe pwedeng pakiusapan, ’di natin alam, internal naman ’yan sa producers and the theater owners. But maybe, there should be a policy. Pagka local films, to encourage more producers whether independent o ’yung malalaking players, dapat ’pag local films, ’di ganun kalaki ang charge sa utilities.

“Kasi na-recover na nila (mall owners) ’yung cost na ’yon eh. Na-recover na nila ’yung investment nila, ’yung movie theater na ’yon, eh.

“So that that’s part of the incentive, especially in the new normal, ’yung bagong polisiya after ng pagbagsak ng buong mundo para makapag-recover ’yung ating mga movie producer, ’yung theater should not get the 50 percent of the earnings.

“Maybe they can get what? Maybe 20 percent? Until we are able to recover because that 30 percent na mapupunta at babalik sa producer is a very big amount para ma-recover niya ’yung loss niya at the same time para makapag-produce pa siya ng marami.

“And ’pag nakapag-produce pa siya ng marami, magiging active uli ’yung industriya natin. I think that’s one help that theater owners can (give to) support the film industry,” paliwanag ni Bistek.

Aware rin siya sa iba pang problema kaugnay nga ng film piracy. Pero tiniyak niya na ginagawa ng gobyerno ang nararapat para solusyonan ito.

Nariyan nga raw ang Optical Media Board (OMB) na siyang nataasan para sugpuin at hulihin ang mga namimirata ng local movies.

Pagdating naman sa nagsulputang streaming sites na tinakbuhan ng production companies nang magsara ang mga sinehan, inamin ni Bistek na bagama’t malaking tulong, hindi pa rin ganu’n kalaki ang nari-recoup na investment ng local producers dito.

Kaya naman sakaling palarin siyang mabigyan ng pagkakataon na makapagsilbi sa Senado sa 2022, meron na siyang nakahandang programa para rito.

Suportado rin ng senatoriable ang Film Tourism na sinimulan ni Senadora Grace Poe (Film and Television Tourism Act of 2014), kung saan ang local films ang magsisilbing “virtual brochure” ng bansa para ma-attract ang mga turista at the same time, makakapagbigay ng trabaho sa mas maraming movie workers at mas maraming mga Pilipino.

AUTHOR PROFILE