Joshjane

Paolo, kapalit ni Kiko sa ‘Darna’

March 12, 2022 Ian F. Fariñas 471 views

Usap-usapan ngayon sa showbiz ang tsikang naliitan sa kanyang role si Kiko Estrada kaya umatras na sa Darna ni Jane de Leon.

Ang tsika pa nga, bigla na lang daw hindi na sumipot sa second cycle ng lock-in taping si Kiko kahit natapos na nito ang first cycle.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay napag-usapan ang isyung ito.

Ayon sa talent manager-cum-vlogger, ang nakarating sa kanyang balita ay ang role ni Kiko sa Darna ay ka-love triangle ni Joshua Garcia kay Jane.

“Ha? Naliitan pa siya ro’n?” sabi ni Mama Loi.

Sabi naman ni Ogie, “Oo. Kaya nga nangarag sila (production). Nangarag sila kaya bigla-bigla na lamang silang humanap ng kapalit at ang nahanap nilang kapalit ay si Paolo Gumabao.”

Ayon pa kay Ogie, kung tutuusin ay wala namang maliit na role katulad nga rin ng laging sinasabi ng yumaong Eddie Garcia.

“Kaya lang siyempre, si Kiko, parang gusto yata, parang offbeat o ibang klase,” sey ni Ogie.

“Pero hindi naman natin alam kung ano ‘yung dahilan naman ni Kiko,” aniya pa.

Sabi ni Mama Loi, naguguluhan siya kung bakit naliitan pa sa role si Kiko gayung ka-love triangle niya ang dalawang bida na inayunan naman ni Ogie.

“Biruin mo, ’no, Joshua Garcia, Jane de Leon tapos Kiko Estrada. ’Di ba ang laki no’n?” sambit ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Kung anuman ang rason ni Kiko, sana ay hindi niya pinagsisisihan pero ‘yung biglaang pagre-resign, kung totoo man ito, ha, na sana eh, hindi, pero kung totoo man, eh, parang hindi yata maganda ‘yun. Dapat ahead of time (magsabi or magpaalam).”

AI-AI, PUMALAG SA FAKE NEWS NA ‘KAKAMPINK’

Na-fake news pala ang Kapuso Comedy Concert Queen na si Ai-Ai de las Alas nang palabasin na supporter siya ni Vice President Leni Robredo.

Sa lumabas kasing picture sa social media, kasama ang litrato ni Ai-Ai sa hanay ng mga celebrity na nakasuot ng pink at pinalabas nga na for Leni raw siya.

Pero hindi ‘yan pinalampas ng actress-singer at nag-post siya sa Instragram para pabulaanan ang paglilinya sa kanya bilang pinklawan o kakampink.

Post ni Ai-Ai, “Utang na loob NANANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito… tahimik buhay ko… lahat na lang… huy !!!!”

Paliwanag pa niya, ang picture ay kuha noong ginawa niya ang pelikulang Tanging Ina Ko, na pagkatagal-tagal na.

“Kung sino ka man na gumagawa ng mga ganitong ka cheapan… pls hindi po ako vp LENI supporter,” sabi pa ni Ai-Ai.

Matatandaang nangyari na rin ito kay Pinoy Henyo Master na si Eat Bulaga Dabarkads Joey de Leon. Na-fake news din siya nang i-edit ang larawan niya at palabasin din na supporter siya ni VP Leni.

Kaya nag-post din si Joey ng paglilinaw at nanindigan sa pagsuporta niya sa tambalang Ping Lacson at Tito Sotto.

Ibig sabihin ay kakamPing siya.

Actually, mapapaisip ka tuloy sa ibang celebrities na lumalabas na supporter sila ni Leni.

Totoo nga kayang kakampink sila o na-edit lang ang larawan nila’t dinedma na lang nila ito?

AUTHOR PROFILE