Julia

Gerald wala sa birthday party ni Julia

March 13, 2022 Aster Amoyo 638 views

GeraldHINDI nakadalo ang nobyo ni Julia Barretto na si Gerald Anderson when she celebrated her 25th birthday last March 10 with her family and close friends. Si Gerald ay nasa gitna ng lock-in taping in Masbate ng kanyang bagong drama series sa Kapamilya channel, ang “A Family Affair” na pinagsasamahan nila for the very first time nina Sam Milby at ang sexy star and top female celebrity vlogger na si Ivana Alawi. During her taping break, doon lamang siguro magsi-celebrate ang magkasintahan lalupa’t three days apart lamang ang kanilang kaarawan, March 7 si Gerald at March 10 naman si Julia.

Other friends na namataan sa intimate birthday celebration ni Julia include Ruffa Gutierrez, Awra Briguela, Patrick Sugui, Aeriel Garcia at iba pa. Naroon naman ang kanyang mom na si Marjorie Barretto and her siblings na sina Dani and husband, Xavi Panlilio, Claudia, Leon at Erich.

Vice Ganda nakipag-usap sa Star Cinema para sa bagong movie project

MATAGAL na ring walang ginagawang pelikula ang comedy superstar na si Vice Ganda na ang huling pelikula ay ang “The Mall, The Merrier” na pinagsasamahan nila ni Anne Curtis in the 2019 Metro Manila Film Festival. Ngayong nag-ease-up na ang pandemya sa bansa, ganadong muli ang mga film outfits para mag-produce ng pelikula.

Nakipag-meeting umano si Vice Ganda sa pamunuan ng Star Cinema for a possible project this year at malamang na isali rin ito sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Inaasahang makakasama ni Vice sa kanyang bagong movie ang dalawa sa mga kasama niya sa “It’s Showtime” noontime program ng Kapamilya channel na sina Ogie Alcasid at Vhong Navarro.

Since ang Viva ang may hawak ng exclusive movie contract ni Vice Ganda, malamang na ito’y maging co-production ng Star Cinema at Viva Films.

Vivamax mabilis ang pag-angat

NAPAKABILIS ng pag-angat ng subscription base ng Vivamax streaming app na malapit nang umabot sa 4M.

Ayon sa Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario, ngayong nasa Level 1 na ang IATF at patuloy na nababawasan ang restrictions, baka dumoble ang mga pelikulang ipu-produce ng Viva dahil ang mga proyekto nila ay mahahati for theatrical release and for Vivamax streaming app.

During the lockdown in Metro Manila and in other parts of the Philippines, nakapag-develop ang Viva sa sarili nilang streaming app, ang Vivamax na available na ngayon sa iba’t ibang bansa sa buong mundo including USA, Canada and Middle East.

Samantala, sunud-sunod ang palabas sa Vivamax this month ng bagong movie projects ng Viva tulad ng action-drama movie na “Adarna Gang” kung saan tampok sina JC Santos, Mark Anthony Fernandez, Diego Loyzaga, Ronnie Lazaro at Coleen Garcia. Kasama rin sa nasabing pelikula na dinirek ni Jon Red sina Soliman Cruz, Shamaine Buencamino, Mickey Ferriols, Archie Adamos at iba pa. Kasunod dito ang sexy movie na “Ex-Deal 2” na tinatampukan nina Rob Guinto at Angela Morena kasama si Josef Elizalde at pinamahalaan ni Lawrence Fajardo. Ito ay mapapanood simula March 25. Isusunod naman dito ang comeback movie ni Nadine Lustre sa Viva, ang suspense-thriller film na “Greed” na pinagtatambalan nila ni Diego Loyzaga na pinamahalaan ni Yam Laranas. Kasama rin sa pelikula si Epy Quizon.

Nang dahil sa Vivamax, maraming writers, directors, production people at mga artista ang nabigyan ng trabaho sa kabila ng pandemya.

Phoemela malaki ang pagitan ng dalawang anak

ISANG taon na ang baby daughter ng model, actress,turned TV host and commercial model na si Phoemela Barranda na si Illya who celebrated her first birthday last March 5 (Saturday).

Si Baby Illya ay anak ni Phoem sa kanyang present boyfriend, ang Fil-Chinese and professional race car driver na si Jason Choachuy, ex-boyfriend (of three years) ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Tumagal din ang relasyon nina Jason at Rhian from 2015 to 2018.

Hindi ikinaila ni Phoem na kinabahan umano siya nang kanyang ipagbuntis ang kanyang second child dahil sa age gap nito sa kanyang panganay na anak na si Kim Nichole Baranda, who turned 23 last December 5. But she’s thankful na naging normal ang kanyang pagbubuntis sa kanyang bunsong anak.

Although may baby na sina Phoem at Jason, wala pang kasal na pinag-uusapan ang mag-partner.

Si Phoem ay nagtapos nung 2001 ng Interdisciplinary Studies sa De La Salle College of St. Benilde but started modeling at age 13.

Drew at Iya excited sa lumalaking pamilya

IT was on January 31, 2014 nang ikasal ang Kapuso TV hosts na sina Drew Arellano at Iya Villania ending their 10-year relationship bilang magkasintahan.

Now married for over 8 years, the celebrity couple has now three children – sina Primo (5), Leon (3) at bunsong si Alana (1). Pero ang magandang balita, Iya is now pregnant with her and Drew’s 4th baby na kanilang ibinahagi sa kanilang vlog nung early January 2022.

Ayon sa TV host-actress, pareho umano sila ng kanyang husband na mahilig sa malaking pamilya.

Bukod sa mag-asawa, excited din umano sina Primo at Leon sa pagkakaroon nila ng bagong baby sister or baby brother habang si Alana ay hindi pa gaanong naiintindihan na magkakaroon siya ng bunsong kapatid.

Kahit umabot ng sampung taon ang relasyon noon nina Iya at Drew bilang magkasintahan, napanatili ng una ang kanyang virginity until the day of her wedding to her husband kaya marami ang humanga sa Kapuso celebrity couple.

JamesJames1Ni-record na kanta ni James sa LA out na

NAKA-OUT na sa music streaming app ang “Hello 2.0 (Legends Only)” ang collaboration work nina JayB, James Reid at Ozi which they recorded in a studio in Los Angeles, California, USA. Ito ang rason kung bakit lumipad papuntang L.A. si James.

JayB is a South Korean singer-songwriter and actor. Ang real name niya ay Lim Jae-beom. He’s 28.

Ozi is Stefan Chen Yi-fan (24). He’s a Taiwanese-American singer-songwriter and rapper. Habang si James ay isang Filipino-Australian singer-songwriter, actor, celebrity endorser and record producer. He’s turning 29 sa darating na May 11.

Ang ex-girlfriend ni James na si Nadine Lustre ang nagsabi na mas focused umano ngayon ang kanyang ex-boyfriend sa kanyang music and his record label, ang Careless Music which he founded a couple of years ago. Ito marahil ang dahilan kung bakit umatras si James sa gagawin sana nilang teleserye under Dreamscape Entertainment production, ang “The Soulmate” na pagtatambalan sana nila ng Korean-American singer-actress na si Nancy McDonie ng Momoland, isang popular Korean girl group.

Sam YG ikakasal na

THIRTY-seven-year-old radio and TV personality Sam YG (Samir Gogna) is finally tying the knot sa kanyang non-showbiz fiancée na si Essa Santos in an intimate garden wedding in Tagaytay.

Si Sam YG ay isa sa tatlong male hosts ng “Boys Night Out” on 89.9 FM along with Tony Toni and Slick Rick.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE