Atayde

Pamilya Atayde nasa Cannes, France

October 19, 2022 Aster Amoyo 341 views

KASALUKUYANG nasa Cannes, France ang actor-politician na si Arjo Atayde kasama ang kanyang parents, ang veteran actress na si Sylvia Sanchez, ang mister nitong si Art Atayde at younger sister ni Arjo, ang actress na si Ria Atayde. Kasama rin nila ang ABS-CBN International Production executive na si Ruel S. Bayani para sa annual four-day MIPCOM Cannes gathering.

MIPCOM stands for Marche Interntional des Programmes de Communication ay ay ang annual trade show na ginaganap taun taon in Cannes,France. It is geared towards the TV industry na dinadaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang TV networks and broadcasters mula sa iba’t ibang bansa. Ang nasabing event ay nagsisilbing major marketplace to buy and sell programs and formats for international distribution. Dinadaluhan din ito ng iba’t ibang celebrities (from different countries) to promote their respective programs.

Ang pamilya Atayde ay co-producers ng “Cattleya Killer,” a six-part drama series na pinagbibidahan mismo ni Arjo at kung saan din tampok na mga bituin sina Jake Cuenta, Christopher de Leon, Zsa Zsa Padilla, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Jane Oineza, Ria Atayde at iba pa. Ito’y magkatulong na pinamahalaan nina Dan Villegas at Irene Villamor.

Ang “Cattleya Killer” ay joint production ng ABS-CBN, Atayde Family at Nathan Studios.

Sa pagbabalik ng grupo sa Pilipinas ay doon lamang malalaman kung ilang foreign TV studios or networks ang nagka-interes sa “Cattleya Killer” drama series ni Arjo.

Jaya hindi nawawalan ng trabaho sa Amerika

KAHIT sa Amerika na naka-base ang veteran singer na si Jaya (Maria Luisa Ramsey-Gotidoc), hindi pa rin ito nawawalan ng shows and concerts.

Sa November 12 (Saturday) at 7: 30 p.m. ay makakasama ni Jaya ang Concert Queen na si Pops Fernandez at Pop Diva na si Kuh Ledesma sa isang concert na gaganapin sa Special Events Center at Fantasy Springs Resort Casino in California, USA

Although mahigit isang taon pa lamang si Jaya and her family since mag-relocate sila roon in July of 2021, hinding-hindi makakalimutan ng singer-performer na one year later ay mahaharap sila sa isang matinding pagsubok nang masunog ang kanilang bahay in Washington State habang sini-celebrate ang 16th birthday ng kanyang teen-age daughter na si Sabriya. Kararating lang din noon ni Jaya from a performance in Texas at humabol siya sa kaarawan ng anak.

Sa awa ng Diyos ay nakaligtas silang lahat sa tulong na rin ng kanilang mga kapitbahay. Although ang tinatawag na bayanihan ay hindi gaanong uso sa Amerika, nangyari ito nang masunugan si Jaya at ang kanyang pamilya.

Bumuhos ang tulong mula sa maraming tao na ang iba ay hindi na nila kilala.

Naniniwala si Jaya at ang kanyang pamilya na hindi sila pinabayaan ng Diyos at agad sila naka-recover. Nakalipat na rin sila sa ibang tirahan at nakapagsimulang muli.

When Jaya is not performing for a show or concert, regular siyang kumakanta sa kanilang church kung saan marami na rin siyang mga kaibigan at kakilala.

Jaya has remarried to her second husband na si Gary Gotidoc in 2006 at may dalawa na silang anak na sina Sabriya at Dylan. Meron din siyang stepson , si Gavin, sa kanyang present husband at siyang tumatayong panganay na anak ng mag-asawa.

Nag-desisyon mang mag-relocate muli sa Amerika si Jaya together with her family and gave up her career in the Philippines, she thought it was the best for her family.

Janella

Janella nag-evolve na bilang aktres

NAG-EVOLVE ang pagiging actress ng 24-year-old na si Janella Salvador when she accepted the role of Atty. Regina Vanguaria na magta-transform as Valentina, ang kaibigan at magiging mortal na kaaway ni Narda-Darna in “Mars Ravelo’s Darna” series on Kapamilya channel.

Magmula nang gampanan ni Janella ang papel ni Nikki sa “Be Careful with My Heart” to her role in “Oh My G!”hanggang sa “The Killer Bride” kung saan niya nakatrabaho ang kanyang tiyahing si Maja Salvador at unang nakapareha ang young actor na si Joshua Garcia, ibang-ibang Janella ang kasalukuyang napapanood sa “Mars Ravelo’s Darna” kung saan siya magta-transform as Valentina, ang magiging mortal na kaaway ni Darna played by Jane de Leon.

Hindi lamang nag-mature ang character ni Janella kundi ganundin siya being a single mother of a two-year-old son na si Jude Trevor courtesy of her ex-boyfriend, ang Fil-British actor na si Marcus Paterson.

Ipinakita rin ni Janella kung gaano siya katapang dahil hindi ito takot humawak ng ahas.

Magiging magkaagaw din sina Narda/Darna at Regina/Valentina sa attention ng police officer na si Brian Robles na ginagampanan naman ni Joshua Garcia although si Narda ang gusto ni Brian.

Sa part naman ni Joshua, malayo na rin ang narating nito hindi lamang bilang actor kundi bilang isang heartthrob.

Nung nakaraang October 7, Joshua celebrated his 25 th birthday kasama angmga kaibigang sina Daniel Padilla, Zanjoe Marudo, Kyle Echarri, Daniel Miranda and his partner na si Sofia Andres, Ria Atayde (na nali-link ngayon kay Zanjoe) at iba pa pero wala roon ang kanyang rumored girlfriend, ang YouTuber na si Bella Racelis.

Lolit

Lolit inaako ang kasalanan kay Bea

SA kabila ng palitan ng `maanghang’ na salita sa pagitan ng dalawang mga veteran talent managers na sina Manay Lolit Solis at Shirley Kuan (na pareho kong kaibigan at mga kumare), isa kami sa umaasa na mahihinto na ang `gulo’ sa kanilang pagitan at magiging ng maayos na rin ang lahat lalupa’t nag-issue na ang apology si Manay Solis kina Bea at Shirley.

Nung kami’y bahagi pa ng PAMI (Professional Artists Managers, Inc. where I was a founding member), saksi kami sa closeness ng mga miyembro laluna sa pagitan nina Manay Lolit at Mareng Shirley kaya isa rin ako sa mga nalungkot sa mga pangyayayari.

Sana tanggapin nina Mareng Shirley at Bea ang paghingi ng paumanhin ni Manay Lolit lalupa’t may sakit ito at naroon naman ang kanyang pag-ako ng kanyang mga nagawang pagkakamali.

Lahat naman tayo ay nagkakamali at isa kami sa umaasa at naniniwala na magiging maayos ang lahat sa pagitan nina Manay Lolit, Bea at Mareng Shirley at sa bandang huli ay maibabalik pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE