Jinggoy

Sen. Jinggoy, nilinaw ang isyu ng K-drama

October 19, 2022 Jun Nardo 380 views

UMALMA agad ang Pinoy lovers ng Koreanovela, movies and artists. Lumabas kasi sa social media na planong ipa-ban ni Senator Jinggoy Estrada ang mga ito nang humarap sa budget hearing sa Senado ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kamakailan.

Nakausap kahapon ni Arnold Clavio si Senator Jinggoy upang linawin ang lumutang na plano.

“Natalakay ‘yan Koreanovelas. It crossed my mind na gusto kong ipa-ban ang Koreanovelas.

“My statement was out of frustration. Frustrated lang ako. Marami tayong magagaling na artista, director, writer, DOP na world-class talaga. Hindi natin nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang angking talino at talent.

“Wala akong sinasabing magkakaroon ako ng panukalang i-ban ang pelikulang banyaga. I said that out of frustration. Frustrated lang ako na hindi nabibigyan ng trabaho ang ating artista,” paliwanag ni Senator Jinggoy.

Alam ng senador na “patay” na ang industriya ng maraming taon.

“Kailangang bigyan ng tulong at inisiyatibo ng ating gobyerno. Subsidize quality films,” saad pa ng senador.

Maliwanag ba, K-fanatics?

PINATINDING SEASON

WINNER ang mas matitinding pasabog at payanig sa bagong season ng most-loved game show ng Net 25 na Tara Game… Agad-Agad.

Si Aga Muhlach pa rin ang host ng third season ng show na napapanood tuwing Sunday, 7 p.m.

“I am really excited for season 3. Alam niyo naman kung gaano ako ka-excited sa season 3. Mahal na mahal ko ‘yung show and it’s been my favorite since we started the show,” pahayag ni Aga.

Of course, dagdag kasiyahan ang kasama sa show ni Aga na sina Daiana Menezes at Fil-Jap social media star na si Yukii Takahashi.

AUTHOR PROFILE