Guest

Pambababae ng hunk actor, nabuking ng mautak na GF!

October 6, 2023 Jun Nardo 137 views

PUMAPARAAN ang isang hunk actor na may girlfriend kapag nambababae siya.

Lagi niyang idinadahilan sa dyowa niya na kasama niya ang barkada kapag hindi sila nagkikita.

Pero ang GF, mautak din dahil may kakuntsaba na isa sa mga barkada ng dyowa niya.

Minsan, nang kasama ni hunky actor ang barkada sa gimikan, iba ang OOTD (outfit of the day) niya.

Pero nang umalis na sa gimikan, nagsuot siya ng cap at dumiretso sa isang condo.

Ang hindi alam ng hunky actor, nasundan pala siya ng isa sa kanyang mga tropa.

At ‘yun nga, huli ng ka-tropa kung saan pumunta ang aktor at ini-report sa GF nito na may ibang kinakalantare ang BF.

Naging mitsa ang sumbong na ‘yon ng ka-tropa upang talakan at hiwalayan ng dyowa ang hunky actor, huh!

Naku, kaya nga sabi ng isang talk show host noon, “Mag-ingat sa taong hindi mo kilala, pero mas mag-ingat ka sa mga taong kilala mo na!”

AUTHOR PROFILE