Default Thumbnail

Pagbalik ng mga pasahero sa Metro Manila maayos

April 18, 2022 Jun I. Legaspi 232 views

MAAYOS at ligtas sa kabuuan ang pagbabalik ng mga pasahero at mg bakasyunista pabalik ng Metro Manila (MM), ayon sa mataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ang inihayag ni Atty. Clarence V. Guinto, direktor ng LTO-Law Enforcement Service at siya ring head ng LTO-National Capital Region-West, sa bultong mga pasahero na bumalik sa MM, matapos ang long vacation at bilang pagdaraos ng Semana Santa.

Sa interview sinabi ni Dir. Guinto sa ilalim ng “Oplan Ligtas Biyahe Semana Santa”, nagpapatuloy ang close in assistance ng lahat ng personnel ng LTO-LES enforcers sa mga pasahero sa lahat ng mga public transportation terminals sa MM.

Siniguro din ni Guinto na walang pasaherong tatanggihan ang mga taxi, o mga TNVS (transport network vehicle service) kasabay din ang pagpapakalat ng mga LTO-Enforcers sa ilalim naman ng “Oplan Isnabero.”

Katuwang din ang ibang sangay ng pamahalaan tulad ng Highway Patrol Group (HPG), Inter-Agency Task Force (IATF), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at local government units (LGUs), ipinakalat ang lahat ng mga personnel na ito sa lahat ng mga public transportation terminals lalo na sa mga bus.

Nag-dispatch din ang LTO ng mga roaming marked patrol vehicles at mga uniformed personnel para visible sa publiko at madaling hingan ng assistance ng mga mamamayan sakaling merong aberya sa kanilang pagbiyahe.

Bukod pa sa mga existing public assistance desk sa mga bus terminals na ang layunin ay tumulong sa mga pasahero at mga riding public pauwi o pabalik man ng MM, saad ni Guinto.

Ayon kay Guinto, ang naturang programa ay nagmula sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade at ni Asst. Secretary-LTO Chief Edgar Galvante na siguraduhin ang kaligtasan ng mga pasahero pabalik ng MM matapos ang Semana Santa.

AUTHOR PROFILE